Chapter 51: Suspicious

42 3 2
                                    

-Suspicious-


Habang nagprapractice kami ngayon sa volleyball biglang nahagip ng mata ko si.....Ivan? Nasa may gilid at may kausap, sino kaya yun?

"YUM!" huli na ng mapansin kong muntik na akong matamaan ng bola, buti nalang at nasalo agad ni Haden. Ay wait....

"Haden? Bat ka andito?"

"Inutusan lang ako ni Maddie." eh?

"Bakit?" di niya ako sinagot at tinapik lang yung balikat ko bago umalis, ang weird.

"Ayos ka lang ba Miss Chen?" tanong sakin ni coach.

"Opo, mam."

"You need to focus, masyado ng malalim yang iniisip mo kanina."

"Sorry po."

"That's okay, pero next time just focus on the game." tumango nalang ako bilang sagot. Putek na Ivan talaga yan! Ano ba kasi meron?


Haden's POV

Sabay kaming pumunta ni Maddie ngayon sa library dahil susunod nalang daw sila Joseph.

"Ano? Ayos lang ba si Yum kanina?" panimula niya sakin.

"Oo."

"Ano sabi?"

"Wala, nagtanong lang kung bat ako andun."

"Ahh." tahimik lang kami hanggang sa makarating sa library.

"Uy si Brandon ba yun?" turo ni Maddie ng makita siya. "Tara puntahan natin!" wala na akong nagawa kundi sumunod, tsk.

"Uy Brandon!" masungit na tumingin siya samin at bumalik nalang sa pagkakayuko.

"Mabuti naman at hindi ka talkshit." sabi ni Maddie kaya nagthumbs up nalang sakanya si Brandon habang nakayuko.

"Hanggang dito ba naman antok parin yan?" bulong sakin.

"Ewan ko, sleeping beauty ata yan." tahimik na napatawa si Maddie kaya napangiti nalang ako at umupo na kami.

"Napakatagal naman ng mga yun tae."

"Tinext mo na ba?"

"Kanina pa kamo." mga ilang minuto nakarating na rin sila Ki at Joseph.

"Oh kayo palang? Asan na sila Hailey?" tanong samin ni Joseph kaya pasimple siyang sinamaan ng tingin ni Ki na di naman napansin ni Joseph. Tsk tsk, nagseselos yung jowa.

"Ewan, kanina pa namin kayo inaantay eh." sagot ni Maddie.

"Oh bat tulog parin yan?"

"Aba malay namin diyan, pagdating namin tulog na eh. " napailing nalang silang dalawa at umupo na rin.

"Nakakagago na ah...sila nag-aya satin dito tas sila rin pala matatagalan." inis na sambit ni Ki.

"Wow nahiya kami sainyo eh ang tagal niyo rin naman." panunumbat ni Maddie.

"Ay hehe."

"So bat nga ba?"

"May tinapos lang kaming assignment eh."

"Ah sipag."

"Oh ayan na sila." pero nagulat kami sa itsura nila kasi mukha silang sabog. Gulo-gulo buhok tas pati kolorete sa mukha.

"Sorry guys, kanina pa kayo?" tanong samin ni Hailey na hinihingal.

"Baka ngayon lang." sarkastikong sabi ni Maddie, haha.

"Anyare sainyo? Para kayong hinabol ng isang dosenang werewolves." sabi ni Ki kaya napatingin sakanya yung dalawa.

"Ah eto? Ano kasi....pinarusahan kami kanina kaya ayun, di kami nakapagayos kaya nalate na rin kami." kinakabahang kwento ni Kate kaya tumango nalang kami.

The Elite Students of Richwood AcademyWhere stories live. Discover now