Chapter 22: Sweet

74 2 2
                                    

-Sweet-


Ivan's POV

Andito ako ngayon sa harap ng dorm nila Yum. Syempre para ipagpatuloy yung challenge. Kumatok na ako at ang nagbukas ay si Ki.

"Oh Ivan, ano ginagawa mo dito?" -Ki

"Bibisitahin yung babe ko."

"Tangina kadiri kayo. Oh pasok." kaya ayun pinapasok na ako sa loob.

Andun sila Maddie, Ivy, Coleen, Zara at Ash sa sala.

"Asan si Yum?" bungad ko.

"Wooow wala manlang kamusta? Si Yum agad?" -Ash

"Syempre uunahin ko bebe ko hehe."

"Sana ol may bebe." -Maddie

"Gusto mo papuntahin ko rin si Haden?" ay tinarayan ako.

"Andun sa kwarto, puntahan mo nalang. Huwag maingay ah?" sabi ni Ash tas nagngisian silang lahat sakin. Luh mga baliw.

Kaya ayun umakyat na ako. Syempre kakatok muna at baka may maabutan pa akong di kaaya-aya.

*tok tok

"Pasok!" sigaw niya sa loob. Kaya binuksan ko na yung pinto.

"Hi babe!" nakita ko pang gulat na gulat siya. "Oh bat parang gulat na gulat ka? Ayaw mo ata ako dito eh." tas nagpout ako, kunwari tampo hehe.

"H-Hindi ah! Kala ko di ka pupunta eh."

"Di noh! Syempre bibisitahin talaga kita, namiss kita eh." sabay kindat ko sakanya. Namula haha cute.

"Ah hahhha, ge upo ka." kaya umupo ako sa gilid ng kama niya. Bat ako tinititigan nito? Baka matunaw ako hehe.

"Oh babe baka matunaw ako ah? Alam ko namang gwapo ako eh."

"Luh hindi kaya!"

"Deny pa toh kasasabi mo lang kagabi na gwapo ako." kala niya makakalimutan ko yun ah.

"Huh? Sinabi ko yun?" nagkaamnesia ba toh?

"Di mo maalala?"

"Di eh." ayy takte.

"Ganito kasi yun...."

~Flashback

Andito ako ngayon sa kotse kasama si Yum. Ayun lasing na lasing kaya ihahatid ko siya sa dorm nila.

Sakto kasi kakadating lang rin nila Haden kaso nauna na. Medyo nahirapan pa ako kasi ang likot ni Yum.

Kaya nung nabuhat ko na siya ng maayos naglakad na ako.

Habang naglalakad...

"Ang gwapo mo pala pag malapitan noh?" biglang sabi ni Yum. Alam ko naman yun, kahit nga malayuan eh.

"Nako Yum binobola mo lang ako, lasing ka lang."

"Hindi noh! Ang gwapo mo kayaa!" tas bigla niya pinisil yung pisngi ko, taena baka madapa pa ko ng di oras neto.

"Tama na yan Yum, matulog ka na." nakatulog agad. Hayss, kahit lasing siya ang cute niya parin.

Edi ayun dinala ko na siya sa kwarto niya tas umalis na. Pero bago yun hinalikan ko muna noo niya ng saglitan, di niya naman malalaman. Shh lang kayo.

~End of flashback

"Edi ayun."

"Daheck, lasing pala ako eh. Kaya it means di ko alam yung pinagsasabi ko."

The Elite Students of Richwood AcademyWhere stories live. Discover now