Chapter 25: Period

82 3 1
                                    

-Period-


Ash's POV

Andito ako ngayon sa room, ayun nakatunganga lang. Tinatamad ako makinig. Kaya inantay ko nalang matapos.

Next class, ganun rin HAHAHAH takte di ko feel makinig ngayon. Teka parang sumasakit yung puson ko ah, kaso sa pagkakaalam ko di pa naman ako magkakaroon ngayon eh. Baka gutom lang yan.

Inantay ko nalang matapos para makaalis na, ang tagaaaal mga besh. Gutom na ako.

*kriing

Hay salamat narinig ko narin ang gusto kong marinig.

"Okay class dismissed, you may take your lunch now." at umalis na yung prof kaya inayos ko narin yung gamit ko tsaka tumayo at umalis na.

Habang naglalakad ako sa hallway.

"Ash." rinig kong may tumawag sakin, hay nako alam ko na yang boses na yan.

"Nako Sage tigil-tigilan mo ko, yoko makipagasaran sayo ngayon." sabi ko habang nakatalikod parin sakanya.

"Luh tanga di naman kita tinawag para makipagasaran." what? Kaya lumingon ako sakanya.

"Eh ano?"

"Palda mo may tagos." pagkasabi niya nun sabay ang pagpula ng pisngi ko.

"Wehh? Baka pinagloloko mo lang ako. Konyatan kaya kita?"

"Oo nga, tignan mo pa." kaya sinunod ko at PUTAAAAA! Meron ngaaaaa! Huhuhuhu. Nakakahiya, lalaki pa nakakita paksheeeet!

"Putek!" anong gagawin ko potaena ang alam ko talaga hindi ngayon yun eh.

Habang nagpapanic ako bigla ko nalang naramdaman na may pumulupot ng jacket sa bewang ko.

"Tara."

"Huh? Saan?"

"Tsk, wag ka nalang magsalita." kaya hinila niya nalang ako hanggang sa cr. Omg! Ano gagawin niya?!

"Diyan ka lang."

"H-Hoy! Gago ka wag mo ko iwan dito!!"

"Bobo diyan ka lang kasi, antayin mo ko." puta, wala na ko nagawa kundi magantay nalang sa loob ng cr, tangina siguraduhin niyang babalik siya dito kundi, bibigwasan ko talaga siya.

Mga ilang minuto, ang tagal. Pag yan talkshit humanda siya saken!

Habang nagmumukmok ako dito bigla nalang may kumatok sa pinto ng cr. Siya kaya toh? Baka ibang tao? Kaso nakakahiya, pano kung ibang tao nga? Tanginaaa.

"Hoy babae! Bubuksan mo ba toh o sisirain ko pa?!" ay sabi ko nga si Sage hehe.

Unti kong binuksan yung pinto tas may inabot siyang paper bag.

"Ano toh?"

"Bat di mo nalang tignan kesa magdaldal ka pa diyan?" ay sungit.

Tinignan ko yung loob....whaaaat?! Matutuwa na sana ako kasi napkin yung andun kaso bat ang dami?!

"Oy Sage! Bat ang dami naman nito?!"

"Tsk! Nagreklamo ka pa ikaw na nga binilhan! Magpalit ka na diyan!" galit na galit amp.

Kaya nagpalit nalang ako, taena buti may dala akong extrang underwear dito sa bag (wag niyo na alamin kung bakitXD). So ayun pagkatapos may tagos parin yung palda kaya tinali ko nalang ulit yung jacket tsaka na ko lumabas.

"S-Salamat." nauutal kong sabi, pano naman kasi nakakahiya na siya pa bumili ng napkin. Syempre may onting hiya pa naman ako kahit papano noh!

"Marunong ka pala magpasalamat?" aba gago toh ah!

The Elite Students of Richwood AcademyWhere stories live. Discover now