Chapter 39: Dates

66 3 0
                                    

-Dates-


Tulog na kaya to'? Bahala na!

Kumuha ako ng bimpo at maligamgam na tubig sa banyo para ipunas sakanya.

Dahan-dahan lang at baka magising. Tangina ang hot-- este ang init niya talaga. Habang pinupunasan ko yung braso niya di ko maiiwasang mapatingin sakanya.

"Hayss di kasi inaalagaan yung sarili, ganyan na ba nagagawa pag nagaway?" kausap ko sa sarili ko. Pake niyo ba, tulog naman siya eh.

"Yung tipong pinagaawayan pa natin yung pinsan ko, jusko! Ano yun family stroke? Ge mukha mo." kahit mukha na kong tanga dito sige lang.

Pagkatapos ko siyang punasan agad kong binalik ito sa banyo at naghanap sa cabinet niya ng sweater.

Kaso pano ko toh masusuot sakanya? Bahala na! Maya na nga lang. Kaso nung pagkaupo ko nagising siya, ingay ko ba? Hehe.

"Oh ayos ka lang? May kelangan ka ba?" di siya sumagot, hinila niya yung kamay ko palapit sakanya. Tengene! Ang lapit ng mukha namin!

"H-Hoy! Ano ba trip mo?" ang init talaga.

Hindi siya sumagot, instead lalo niya pang nilapit ang mukha niya sakin hanggang sa maglapat na mga labi namin. Di ko alam kung ilang segundo yun nagtagal.

Nung hiniwalay na bigla siya nagsalita.

"I'm sorry." wa?

"P-Para saan?" luh ambobo lang.

"Sorry kung nagalit ako."

"So inamin mo rin." sabi ko at ngumisi.

"Sorry na nga eh " pfft, chura eh parang bata. Ang cute.

"HAHAHHA oo na, magbihis ka na...kaya lalong nilalamig eh." inabot ko sakanya yung sweater na tinanggap niya naman.

"Thanks."

"May kelangan ka pa ba?" tanong ko pagkatapos niya.

"Wala na."

"Hmm sige, matulog ka na muna." tumango siya at humiga na kaya kinumutan ko na siya at ako naman nagtiis ng init. Woooh! Pota ang sarap maligo....maligo ng pawis!

Pinatong ko nalang yung ulo ko sa may gilid ng kama niya.

Hayss ano na kaya nangyayari sa mga ungas?


Yum's POV

"Musta na kaya sila?" tanong ko kay Ivan na kasalukuyang busy sa cp.

"Hoy!" nakuha ko rin ang atensyon niya nung binatukan ko.

"Aray! Babe naman! Para saan yun?" habang hinihimas yung ulo.

"Kanina ka pa kasi diyan sa pag-ml! Di mo ko pinapansin." tampu-tampuhan kong sabi.

"Sorry na, eh kasi rank toh eh.....hala gago mga ks!" inirapan ko nalang siya, putcha talaga tong lalaking toh.

Tinext ko si Maddie para kamustahin.

To: Madeline<3Haden
Madsss! Kamusta naman ang pag-aalaga? ;)

From: Madeline<3Haden
Buti pa yung pag-aalaga kinakamusta mo, ako hinde. :(

Baliw tong babaeng toh.

To: Madeline<3Haden
Gaga ka!

From: Madeline<3Haden
HAHAHHA! Ayos lang, eto tulog. Penge notes mamaya taena niyo.

To: Madeline<3Haden
Oo na...masyado kang masipag.

The Elite Students of Richwood AcademyWhere stories live. Discover now