Chapter 42: Who?

66 2 0
                                    

-Who?-


Zara's POV

"Ano?!" gulat na sigaw nila Ash at Sage sa narinig.

"Yes po mam, talagang sira na po yung brakes."

"P-Pero maayos pa yan nung ginamit ko! Paano nangyaring nasira yun?!"

"Matanong lang po, may mga nakakaaway po ba kayo?" nagtinginan kaming lahat sa pagtataka.

"B-Bakit?"

"Kasi mukhang sinadya po yung pagsira ng brakes ng motor niyo." napakagalang naman ng police na toh.

"Eh sino naman yun?!"

"Di rin po namin alam, iimbestiga pa po namin. Sa ngayon mag-pahinga nalang muna kayo, mauuna na po kami."

"Sige, salamat po." -Sage

"Sino namang gagawa nun?! Kaltukan ko pag nalaman ko kung sino yan!" galit na sigaw ni Ash.

"Kalma Ash, yung dextrose mo baka mahila." nagdudugo na nga eh shunga.

"Tch!" at sumandal nalang.

"Pero sa tingin niyo sino?" -Yum

"Ewan, wala kaming ideya."

"Unless..." sabay-sabay kaming napatingin kay Maddie.

"Unless ano?"

"Sino sa tingin niyo ang lagi nating nakakaaway sa school? Sino yung lagi natin nakakasapakan?" napaisip kami sa sinabi niya. Yung tatlong pokpok!

"Imposible naman yun! Ang tagal na nilang di nagpaparamdam, dinadaanan na nga lang tayo eh." sambit ni Coleen, papeymus kase.

"Yun na nga, malay mo may plano talaga sila."

"Uupakan ko yung mga yon!" tumahimik kaming lahat ng biglang magring yung selpon ni Ki.

"Wait lang ah?" paalam niya at lumabas na.

"Wag mo nalang muna isipin yan Ash, baka lumala sugat mo...kakailanganin pa naming ipaopera yang utak mo." asar ni Axel kaya nakaltukan siya ni Ash.

"Aray ah!" HAHAHHA taena.

"Wews, umuwi na muna tayo." aya samin ni Coleen. Kakagaling lang kasi namin sa school. Hindi naman pwedeng di kami pumasok noh, kapal niya naman. Sa linggo pa kasi siya makakalabas. Palibhasa libre sakanya. Tsaka kakapunta lang ng parents niya dito kanina.

"Mabuti pa nga, magbihis na rin tayo. Pawis na ko." sabi ni Maddie.

"Eh sino magbabantay dito?" tanong ko.

"Ako na." -Sage

"Sigurado ka diyan?" -Ivy

"Oo."

"Ano ikaw lang mag-isa? Hoy Yum! Ivan! Samahan niyo toh." sabay turo ni Josh kay Sage.

"Lul! Bakit kami?" -Ivan

"Kayo na! Choosy pa eh." -Josh

"Tss edi wow."

"Teka, asan si Ki?" tanong ni Joseph.

"Baka pabalik na yun." saktong pagpasok ni Ki at mukhang problemado.

"Nyare sayo teh?" -Yum

"Ah wala, uuwi na ba?"

"Oo eh." -Coleen

"Sige." at nauna na siyang lumabas. Laging problemado tong batang toh. Nagpaalam na kami kila Ash at umalis na.

Nung nasa kotse na kami. Bale kotse nung mga lalaki yung gamit namin, syempre partner partner toh. Sosyalin noh.

"Oh ano? Kita-kita nalang, dala na rin kayo ng pagkain pagbalik dito." utos ni Joseph.

The Elite Students of Richwood AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon