Chapter 9: Bad mood?

104 3 0
                                    

-Bad mood?-


Ash's POV

Nang nakaramdam na kami ng antok naisipan na naming matulog na kaya bumalik na kami sa kanya-kanyang kwarto.

"Oh Coleen, gising ka pa pala." bungad ko ng nakitang nakatulala lang siya.

"Ah wala, may iniisip lang."

"Ano naman yun?" -Yum

"Basta, ge tulog na ko." at tinalikuran niya na kami. Bad mood?

Hayss makatulog na nga rin, pero bago yun..

"Andiyan na kaya si Maddie?" -ako

"Ewan ko nga eh, pero baka nakabalik na rin siguro yun...imposible namang abutin sila ng ganitong oras noh." -Yum

"Sabagay, ge tulog na tayo."

"Goodnight." parehas naming sabi at natulog na.


Maddie's POV

Hay salamat natapos rin, kaso putek anong oras na.

"Pano na toh, di parin nabubuksan yung lintek na pintuan." -ako

"Bat ba kasi malolock yan?"

"Ewan ko ba, baka naman may nagsara?"

"Sino naman?"

"Malay ko." umupo nalang ako sa sahig sa tabi ng pintuan.

Nakita kong umupo rin siya sa tabi ko.

"Uhm salamat nga pala dahil sa kanina."

"Wala yun."

"Bat mo nga pala yun ginawa?"

"Ayaw mo?"

"Di naman sa ganun, pero kasi pwede mo naman akong hayaan na matamaan eh, sayo tuloy tumama." ay pakipot wahahaha.

"Tss, hayaan mo na." sige na nga, baka batuhin pa ko ng bola eh.

*hikab* tae naman talaga.

"Gusto mo na matulog?"

"Ha? Ah eh hindi, ok lang." tumango nalang siya at nanahimik nanaman kami, nilalabanan ko nalang yung antok ko putek. Nakakahiya kaya.

(A/N: Weh? May ganun ka?)

Luh umayos ka diyan, ikaw may kasalanan neto.


Makalipas ng ilang oras naramdaman ko nalang na pumipikit na mata ko, pero bago yun narinig ko pa siyang bumulong.

'I like you Maddie, sa-' di ko na narinig pa yung iba niyang sinabi nang tuluyan na kong nakatulog.

~Umaga(4:45am)

Paggising ko...

'Watda?' ay putcha nalock nga pala kami dito.

Narealize kong...hala?! Nakasandal pala ako sa balikat niya? Nakakahiya talaga. Bigla kong naalala yung narinig ko kagabi, totoo kaya yun? Baka panaginip lang.

Tumingin ako sakanya, ayun mahimbing na natutulog parin. Tinitigan ko yung mukha niya.

'Hayss gwapo mo pala talaga noh, kaya ang daming nagkakandarapang babae sayo eh...hirap ka tuloy jowain, hehe joke lang' bulong ko sa sarili ko. Nahuli kong medyo ngumisi siya bago tuluyan ng magising kaya bigla kong iniwas yung tingin ko sakanya, muntik na yun ah. Teka..puta narinig niya kaya?

"G-Goodmorning." bungad ko.

"Morning." bati niya rin sakin. "Di parin nabubuksan?" tanong niya, nagkibit-balikat lang ako kaya tumayo siya at sinubukang buksan yung pinto. Bat ganun kahit kagigising mo lang ang gwapo mo parin? Puta ka utak umayos ka nga, landi neto.

The Elite Students of Richwood AcademyWhere stories live. Discover now