-Aso't Pusa-
"Grabe ka naman sakin" -????
"Hay nako Ivan, tigil-tigilan mo nga ko."
"Luh sungit...wala naman ako ginagawang masama ah? Bat ka naiinis?" reklamo ni Ivan. Parang bata amputek.
"Wala ka ngang ginagawang masama pero nakikita ko palang yang mukha mo nakakainis na." bara ko sakanya.
"Awts! Naiinis ka sa kagwapuhan ko?" aba ang hangin ah.
"Wow ah? Ang kapal...san banda ha? San banda? Baka sa pwet?"
"HAAHAHAHA!" rinig kong tawa nila Ki at Ash. Mga taong toh nagawa pang tumawa.
"Di wow." at lumayo na. Nagtatampo na ang bata.
"Nakoo! May namumuo." -Ki
"Namumuong tae." putcha ka Ash.
"HAHAHAHA!" tawa nanaman nila.
"Mga gago!" sabay hampas ko sa braso ni Ash.
"Aray! Ano ba? Porke may bebe ka na ahh?" -Ash
"Oo nga, first subject palang yan...pano na kaya pag sa ibang araw." ang lakas talaga ng trip ng mga toh takte.
"Ayiiiiie!"
"Tangina niyo!" sabay pakyu.
'Takte talaga yang Ivan na yan pahamak eh, tsk!' umupo nalang ako at hinayaan silang magdaldalan.
"Psst." rinig ko ng naramdamang may tumabi sa upuan ko.
"Putek, andito ka nanaman?!" sigaw ko kay Ivan.
"Woah! Chill lang grabe toh, init agad ng ulo."
"Tsk!" at inirapan nalang siya. "Bat ka ba andito ha?" inis kong tanong sakanya.
"Nakikiupo lang naman."
"Nakikiupo o mambwibwiset lang?"
"Uhmm, both?" at inirapan ko ulit, di ko na nga alam kung pang-ilang irap na ko dahil dito.
"Bat ba ang sungit mo lagi pagdating sakin?"
"Kasi ayaw kitang kausap."
"Ouch!" o.a pang humawak sa dibdib.
"Yuck! Di bagay sayo."
"Tsk sama mo talaga...may regla ka ba?" bigla niyang tanong na ikinagulat ko.
"Puta umalis ka nga dito! Nakakairita ka na." inis na inis kong sabi. Panira ng araw toh kahit kailan.
"Luh nagtatanong lang eh."
"Pwede ba? Lum--" naputol ang sasabihin ko nang biglang dumating ang prof namin.
'Grr nakakainis' pabulong kong sabi nang nakitang lumipat na siya ng upuan.
"Good morning class...I will be your professor for history....you can call me Mr. Samson, but first I will assign you're sitting arrangements."
Bat may ganun pa?!
Nang tinawag na ang pangalan ni Ivan laking pagdarasal ko na sana wag ko siya makatabi...
"Mr. Mendoza go sit next to Ms. Chen."
At dun na naglaho ang mundo ko. Kamalasan nga naman oh. Kita ko pa na nakangising aso sila Ash At Ki, tsk!
"Nakuu katabi na kita ngayon, siguro naman di mo na ko papaalisin?"
"Tss...huwag ka lang maingay diyan at baka masapak pa kita ng di oras."
"Wag ganun." may sitting arrangment pa kasing nalalaman.
YOU ARE READING
The Elite Students of Richwood Academy
Teen Fiction"Forget those who HURT you yesterday, but don't forget those who LOVE you everyday" Credits sa mga kaibigan kong tumulong...at dun sa hindi, dun ka na HAHAHAHA