Chapter 17: Mortal Agony (Part 2)

3.1K 86 50
                                    

Aphro’s Point of View

 

“Bulls eye!” nakangising saad ni Zy. And that snap us back. Tinignan namin yung dart board and dang! Bulls eye nga ito. Damn! Ayan na naman yung trick niyang ‘yan. Bakit ko nga ba nakalimutan yun, naging hobby pala nito ni Zy dati na maglaro ng dart board pero with a twist dahil imbis na darts ay pick ng gitara ang ginagamit niya. Napasinghap sila Chris, siguro’y first time nila makita iyon.

Hindi pa rin umiimik si Dylan, diretso lang itong nakatingin kay Zy. Wala rin namang imik si Zyrah, sa loob ng ilang minuto ay parang nagsusukatan lang sila ng tingin. Wala kahit sino samin ang may lakas ng loob na bumasag sa katahimikan na namumuo sa buong bahay.  Hanggang sa lumitaw galing sa pinto ang isang cute at maputing na babae. Excited itong pumasok, sa labas pa nga lang ay nagsisisigaw na ito habang tumatalon-talon pa. Nabangga pa nga niya ako dahil sa pagkahyper niya pero hindi ko na lang pinansin.

“Oppa~ I miss you na!” ambang yakap nito na agad din namang naiwasan ni L. “Eh? Oppa~ Why are you lumalayo ba? Yiie! Don’t tell me you’re nahihiya to them? Wag ka nang ma-shy, its okay naman siguro kasi we’re getting married na.” pangungulit sa kanya nung babae. Makikita naman ang pagka-irita ni L kasabay ng pagkunot ng noo nito.

“Tss. Stop dreaming Sandra. You’re not even my girlfriend. And why are you here in the first place?” Tinanggal ni L ung brasong nakapalibot sa kanya. Ang meanie talaga, parehas sila ni Zy. Oh well, sobrang clingy naman kasi nung babae kaya hindi ko rin masisi si L kung bakit ang mean niya dun.

“Hmp, oppa you’re so mean talaga! Syempre I’m here to make visit to you. I miss you na kaya.” pagpapa-cute nung babae na mukha namang hindi tumatalab kay L dahil hanggang ngayon ay nakatitig pa rin ito kay Zyrah. Mukhang napansin nung babae yung tingin ni L kaya napunta rin ang atensyon nito sa amin, dahil nga nakatitig din si Zy kay L kaya hindi niya napansin ang matatalim ng tingin na ibinabato sa kanya nung babae. Nang mapansing wala siyang mapapala kay Zy, agad din siyang bumaling pabalik kay L.

“Oppa~ Look at me naman! Hindi mo ba ko namiss?”

“You really want to know my answer huh?”

“Psh, nah. Nevermind. Kasi naman oppa~ gusto ko lang naman kasi magpasama sa mall. Ang tagal na nating di nakakalabas. Samahan mo na ko~ Sige na~ Tsaka if you want kasama naman natin sila Kuya Sam kaya pumayag ka na please~”

Hindi muna sumagot si L. Tinitigan lang nito sila Sam at napabuntong-hininga na lang. “Tss. Fine. Just don’t get too close.” he said as he rolled his eyes. Sungit talaga.

“So kung pupunta naman pala tayong mall, why don’t you girls join us?” biglang singit ni Chris, inirapan ko naman siya.

“No th-”

“Hoy bratinelang hindi ko alam kung saang planeta nagmula! Pwede b-- Wooh, what’s the commotion here? Yow couz! Bakit ka nandito?” napalingon kami roon sa nagsallita. Nakaakbay na ito kay Zyrah habang nakangiti. Nag-shrug lang ng balikat si Zy at nginisian ang pinsan.

“Yow dude! Tamang tama ang dating mo! Kanina ka pa namin hinihintay.” masayang bati ni Darius kay Zander. Nakipag-high five si ito sa kanya, may nalalaman pa ngang hand sign na hindi namin alam kung saan nagmula. Napansin rin namin ang pagngisi ni L nang makita si Zander, tinanguan niya ito habang isa-isa ring nakipag-apir sila Sam. Napataas ang kilay namin habang tinitignan sila. So kailan pa naging close ni Zander ‘tong mga ugok na ‘to?

Rule Breakers : Royalty Clash ☠Where stories live. Discover now