Chapter 27: Photo shoot (Part 2)

2K 57 11
                                    


Third Person's Point of View

"Girls anong gusto niyong kainin?" Tanong ng isang staff.

"Anything will do." Nakangiting saad naman ni Roni. Lunch time na at nagugutom na ang mga dalaga kaya naman hindi na sila tumanggi pa sa alok ng mga staff na naroon.

"How about drinks?" Tanong muli nito.

"Soda na lang po o kaya kahit tubig na lang. Okay na yun." Sagot naman ni Debby. Nginitian na lamang sila ng staff at lumabas para kuhaan sila ng pagkain. Tahimik silang naghihintay ng mapalingon sila sa nakakunot noong si Zyrah na kababalik lang.

"What's wrong?" Pang-uusisa ni Roni.

"Kilala niya ko." Bulong ng dalaga na kaagad namang naintindihan ng mga ito.

"So we can't say no?" Tanong naman ni Aphro na ikinatango ni Zyrah.

"Let's just get this fck done pagkatapos ay umuwi na tayo." Mariing sambit ng dalaga.

Natahimik ang lahat, si Zyrah naman kasi ay wala na namang pakialam sa paligid niya dahil sa suot nitong earphones. Ang mga kaibigan naman niya ay nanahimik na lang din dahil sa gutom.

"Hey." Tawag ni Chris na papalapit na sa kanila. Kasama nito ang mga kaibigan na may dala-dalang pagkain. Kunot-noong napatingin sa kanila ang mga dalaga.

"Here's your food babe. Kain na." Malambing na sambit ni Chris at kinindatan si Aphro. Kaagad siyang inirapan ng dalaga.

"Bakit kayo pa nagdala niyan? Di niyo na lang sila hinayaan." Mataray na saad ni Aphro na isinawalang bahala lang ni Chris. Inabot na rin nila Sam ang pagkain kanila Debby. Samantalang si Zyrah ay nakaupo pa rin sa gilid at nakapikit ang mata.

Nagtaka sila Debby ng makitang nakatayo sa harapan ng dalaga si L. Nakakunot ang noo nito habang pinagmamasdan ang dalaga.

"Just put the food beside her. Kakainin niya rin iyan." Sambit ni Debby. L looked at her questioningly, she the just shrugged and proceed on eating her lunch. Naka upo sila sa tapat ng isang mahabang table kaya naman hindi sila nahihirapang kumain.

They are eating their lunch silently, hanggang sa mapunta ang atensyon nila kay L na walang pasabing tinanggal ang suot na earphones ni Zyrah. Her eyes suddenly snapped open and seeing him standing in front had her puzzled.

"Problem?" She asked and arched an eyebrow, but didn't really look annoyed. Nasa kanila na ang atensyon ng lahat maliban sa kanilang kaibigan na sanay na sa kanila. Everyone on the set seems interested, tila isa silang character sa pelikula na pinapanood ng marami.

"Eat." Maikling sagot naman ng binata sabay abot ng kanina niya pang dala-dalang pagkain. Pinasadahan ng tingin ni Zyrah ang hawak nitong paper bag bago muli itong tinitigan.

"Thanks but I'm fine." She said calmly, she was about to put her earphones back but L's hand quickly shot out and grabbed her wrist.

"The fu..."

"Eat. Kung ayaw mong ako pa ang magpakain sayo."  L cut her off before she could even curse. Dahil sa sinabi ng binata ay wala ng nagawa si Zyrah kung hindi kunin ang pagkain sa kamay nito at paulanan ito ng masasamang titig.

Tumabi sa kanya ang binata at nag-umpisa nang kumain, she's annoyed and everyone's attention irritates the hell out of her more. Kaya naman pabagsak niyang inilapag ang  takip ng kaniyang pagkainan sa lamesa.

"Isang tingin pa tutusukin ko na 'yang mga mata niyo." She said in gritted teeth. Agad na nag-iwas ang mga ito ng tingin, nang mapansin na tahimik na ay nag-umpisa na rin niyang lantakan ang pagkain na ibinigay sa kanya. And she think she made a record, wala pa atang sampung minuto ay naubos niya na ang laman ng paper bag.

Rule Breakers : Royalty Clash ☠Where stories live. Discover now