Chapter 23: Used to be Mine

1.7K 59 2
                                    

Used to be Mine


Zyrah's Point of View

Naging abala ang lahat sa mga sumunod na araw. Nag-focus ang klase sa pag-asikaso sa play na gaganapin next week. Isa ito sa mga major project namin at kung magiging successful ito ay wala na kaming poproblemahin pang project sa buong taon.

Nakuha nina Aphro ang isa sa major role, habang napagpasyahan naming tatlo nila Roni na sumama na lang sa mga gagawa ng props. Si Debby ang namuno sa paggawa ng props dahil likas na ang pagiging artistic niya. Si Dylan naman ang nakakuha ng lead na lalaki habang napunta rin kayla Darius ang tatlo pang malalaking role.

"Okay let's start the practice." Sigaw ng assigned director namin. Sinalpak ko ang aking earphones at pumwesto na lang sa gilid. Wala naman akong gagawin doon dahil tapos na ang trabaho namin bilang propsmen.

"Wait... May problema tayo." singit naman noong lead na babae. Nagtanong sa kanya ang direktor, napakamot siya sa kanyang ulo.

"Out of tune kasi itong piano."

"Then fix it."

"I know how to play but unfortunately I don't know how to tune it." Nahihiyang sabi niya. Binaling ko ang atensyon ko sa cellphone ko, naghanap na lamang ako ng kantang magandang pakinggan. Pinikit ko ang mga mata ko at pumangalumbaba sa lamesa.

"Zyrah." Awtomatikong napadilat ang mga mata ko, itinanggal ko ang suot kong earphones. Sa harap ko naroon ang assigned director, nasa akin na rin ang atensyon ng lahat. Damn, attention again. Nagsalubong ang kilay ko at nagtatakang tumingin sa kanya.

"You know how to play right? Maybe you also know how to tune a piano." Mas lalo nangunot ang noo ko. Ayoko ng iniisip niya. Umayos ako ng upo at hinanap sila Debby pero mukhang wala sila rito at abala sa kanya-kanyang kailangan gawin.

"I can't." Matabang na sagot ko.

"Sumali kayo sa battle of the bands so for sure maalam kayo sa music."

"Piano is not my forte."

"Liar. I once heard Zander, he's so proud of you kaya mo raw tugtugin ang kahit anong string instruments." The fuck? Tinitigan ko ng masama ang sumabat na iyon.

"Please Zyrah. Pinaalis ko muna kasi sila Chris, habang pinatawag sa kanya-kanyang club ang mga kaibigan mo. Kayo ni L lang ang alam namin na marunong sa music."

"Bakit hindi siya ang pakiusapan niyo." I said irritatingly as I looked at him who just shrugged his shoulders.

"Pretty please. Kailangan na nating magpractice, maantala pa ang practice natin dahil lang sa maliit na problemang ito. Kapag hindi natin nagawa 'to ng maayos, malamang na bumaba ang grade natin..."

"Fine." I immediately cut him off, ang dami pang sinasabi eh. Kahit na labag sa loob ko ay tumayo na ako at nagtungo sa piano. Papalapit pa lang ay nilalamig na ko. It's been what? two? three years? I already don't know. Basta ang alam ko mula noon inilayo ko na ang sarili ko sa instrumentong ito. I promised myself not to play this organ anymore, ever. Pero itotono lang naman diba? Kakayanin ko naman siguro.

Malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko. Binaling ko ang atensyon sa piano na nasa harap ko. Kinuha ko ang ilang tools na nasa ilalim ng upuan. I removed the external panels, I compared the mid-treble note to the pitch of a standard tuning fork. After I tuned the mid-treble section, I finished the rest.

"Try it." Pagbaling ko roon sa lead actress namin. Nakatulala naman siyang tumango sa akin.

"Why don't you try it?" Napalingon ako sa baritonong boses na iyon. Kunot noo ko siyang tinitigan.

Rule Breakers : Royalty Clash ☠Where stories live. Discover now