Chapter 26: Photo shoot (Part 1)

1.7K 53 3
                                    

Happy New Year guys! Lovelots!

Third Person's Point of View

"Dippy let's go." Halos mapaigtad ang dalaga ng muling hawakan ni Dylan ang kanyang kamay. Hindi niya rin maintindihan pero sa tuwing malapit ito sa kanya'y di niya mapigilan ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso.

"Can you please stop dragging me around? Nagiging hobby mo na ata ang paghila sakin." Naiinis na sambit ng dalaga.

"Nah, baka kasi maligaw ka. Malaki pa naman 'tong building." Gusto niya sanang matawa sa sinabi ng binata. Paano siya maliligaw sa isang gusaling siya mismo ang nagmamay-ari. Tama, Zyrah Kim is the owner of ZK Entertainment.

Naiiling na napalingon siya sa kanyang mga kaibigan. Makahulugan din siya nitong tinitigan, nginitian niya ang mga ito na parang sinasabing ayos lang ang lahat.

Hindi siya nag-aalala na baka may makakilala sa kanya rito. Ang totoo kasi'y isang palaisipan maging sa mga empleyado niya ang kanyang katauhan. Sa loob kasi ng dalawang taon na nagkaroon ng branch dito sa Pilipinas ang kanyang Entertainment Company ay ni minsan hindi niya ito dinalaw.

Pinapatakbo niya ang kompanyang ito habang nasa Korea siya sa tulong ng kanyang kanang kamay na si Victoria. Ito lang ang kaisa-isang  empleyado ng ZK Ent. dito sa Pilipinas na nakakakilala at nakakita sa kanyang itsura. Lahat ng problema kasi ay dito niya tinatanong, every week din ito nagrereport sa kanya para malaman ang kalagayan sa branch na ito.

Sa Korea naman ay kilala siya ng mga empleyado. Sobrang hands on kasi siya sa kanyang kompanya at siya mismo ang nagmomonitor ng mga nangyayari rito, kaya nga gustong gusto siya ng mga empleyado dahil kahit na cold siya at hindi masyadong malapit ay hindi niya hinahayaang may kung anong problema ang mangyari. Pero kapalit noon ay ang matinding pagbabawal niya sa mga ito na banggitin kahit kanino sa labas ng kompanya kung sino siya at kung ano ang kanyang itsura.

Ito ang dahilan kung bakit nakilala ang ZK Ent. Aside from being excellent in the industry, they're prominent for their exceptional yet mysterious owner. 

Nagpatuloy sila sa paglalakad at hindi na ininda ang mga nakukuhang atensyon mula sa mga iba pang modelo. Halos tunawin ng mga titig nito ang kasamang mga lalaki. Kulang na lang ay maglaway ang mga ito sa tuwing dadaan sila L sa harap ng mga ito.

Patuloy lang ang paghila ni L sa kamay ng dalaga hanggang sa makarating sila sa isang elevator. Gawa sa glass ang elevator na ito kaya kitang-kita pa rin sila. Halata rin ang paghanga ng ilang lalaking modelo kayla Zyrah na nanatili pa ring walang emosyon.

Pagkabukas ng elevator ay sumalubong sa kanila ang isang lalaking naka-suits.

"Good noon, this way ma'am and sir." Magalang na sambit nito. Lihim na napangiti si Zyrah. She's impressed and proud on how the employee welcome their artist. Parang hands on ito sa lahat at inaalalayan ang mga bagong dating.

"Not bad. Mukhang na cope up naman nila ang way ng pamamalakad ng entertainment company sa Korea."  Nasa isip nito.

Nagpatuloy sila sa paglalakad. Maganda ang designs sa loob ng building, malaki ito at halos maitutulad na nga sa isang hotel. Actually, kaparehas ng design sa Korea ang pagkakatayo ng building na ito. Mas mabusisi nga lang ang pagkakagawa sa Korea dahil nga ito ang main branch.

"Nasa loob na po si Miss Victoria." Sambit ng lalaki kasabay ng paghinto sa isang opisina. Iginaya nito sila Zyrah sa loob at dali-dali nang umalis.

Pagkapasok nila ay abala sa kausap si Victoria sa kanyang telepono. Nakatalikod ito sa kanila kaya hindi sila agad nito napansin.

"Yes, I understand. Copy." Nang matapos ang tawag ay agad itong lumingon at halos mabitawan nito ang kanyang telepono ng makita si Zyrah na nasa harapan niya. Hindi ito ang una nilang pagkikita ng personal. Oo nga't palaging through computer lang ang meeting nila pero noong isang beses na nagkaroon ng malaking problema ang kompanya'y personal siyang pinapunta ni Zyrah sa Korea upang maayos ang lahat. Pinasundo pa nga ito sa isang private plane at nung unang beses na iyon ay di niya maikakaila ang pagka-intimidate sa dalaga.

Rule Breakers : Royalty Clash ☠Where stories live. Discover now