Chapter 1 : Beautiful Monsters

9.6K 149 31
                                    

Chapter 1: Beautiful Monsters

 

Zyrah's Point of View

"I'm out." Sa panghuling beses ay hinampas ni Debby ang drums. Kasabay naman ng pagsambit ko ng huling lyrics ng kanta ang pag-strum ni Veronica sa kanyang gitara, at ni Aphrodite sa kanya namang bass. Halos mabingi ako sa sigawan at mainit na pagsuporta sa amin ng mga tao. Matapos noon ay nagpaalam na kami sa mga manonood at dali-daling bumaba sa entablado.

Kaliwa't kanang flash ng mga camera ang agad na sumalubong sa amin. Rinig na rinig ang tunog na nililikha ng mga ito habang kinukuhanan kami ng litrato. Kasabay ng bawat pag-click ng camera ang sunod-sunod na tanong na ibinabato ng mga reporters. Nagpumilit kaming makaalis sa tulong ng mga security ngunit hindi pa rin kinaya dahil sa dami ng mga humaharang.

"Zinnia, as the leader of the band, what can you say about your undeniable popularity in Asia?" Pagbatong tanong sa akin noong isa.

"We just want to give thanks to our fans who keep on supporting us." Simpleng sagot ko rito. Papalakad na sana kami nang muli'y humarang ang mga ito sa aming dinaraanan.

"It's been years, your band had already built your own name in the industry, not only here in South Korea but also in other countries. Don't you think it's time for us to know your true identities?" tanong ng isa sabay baling ng hawak na mic sa amin. Hindi ako nagsalita, seryoso lang akong tumitig sa kanila.

"Well, we still want to enjoy our privacy in this way." Ang kaibigan kong si Debby na kilala bilang Iris na ang sumagot para sa akin.

"But Iris, the whole media doesn't even have a single idea about you, girls. The only thing that your fans know are your screen names." Pabalik na sagot ng isang reporter kay Debby pero nginitian lang niya ito.

"I'm sorry but we think this is not yet the right time. I hope you understand." Simpleng saad ko para tumigil na ito.

"But when?"

"What would you want to say about this Vero?"

"Daffodil, would you consider the acting career offered for you?"

"Zinnia, what can you say about your rivals?"

Sunod-sunod na mga tanong na ang ibinato ng mga ito sa amin. Hindi pa man din nasasagot ang isa'y may mga nakahanda na kaagad ang mga ito. Damn! They're really consistent. Hindi na kami nag-atubili pang sagutin ang mga tanong na iyon, nang mapansin na nandyan na ang mga ipinadagdag na securities ay agad kaming naglakad papalayo sa mga reporters.

**

"That was so exhausting." Pagkapasok pa lang sa dressing room, agad na tinungo ni Aphrodite ang upuan sa harap ng salamin. "Debby, pakiabot naman nung disinfecting solution ng contacts." Pakiusap nito kay Debby.

"Stop calling me by my name Daffodil. Baka may makarinig sayo." Sita sa kanya nito sabay abot nung pinapakuha niya.

"Thanks Debby Allison Smith." Mas lalong pang-asar pa nito kay Debby. Nagpeace sign din naman agad siya. "Nah, Debs naman tayong apat lang naman ang tao dito so feel free to call me Aphro. Tsaka as far as I know sound proof naman 'tong room na 'to kaya ok lang 'yan. Isa pa, wala namang nakakaintindi nang tagalog dito sa Korea kaya safe pa rin." pagdadahilan niya. Pagkatapos ay walang ano-ano niyang tinanggal ang contact lens na soot sabay ipinikit ang kanyang mga mata.

Rule Breakers : Royalty Clash ☠Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ