Chapter 43: February 13

3.1K 95 86
                                    


Happy Father's Day.


Zyrah's Point of View

February 13...

"Zyrah." Pinunasan ko ang ilang luha na tumulo sa aking mata. Suminghot ako at umiwas ng tingin nang makitang papalapit siya sa akin.

"Kuya..." Mahinang sambit ko. Kita ko ang pagngisi niya bago hinawakan ang aking baba at iniangat iyon.

"Umiiyak ka na naman." Napasinghot ako habang marahan niyang pinupunasan ang basa kong pisngi.

Umiling ako at pinagmasdan siya. His deep cold eyes mirrored mine. The shape of his face, the curve of his lips, his high nose... he looks exactly like me. A boy version of me.

"Hush, princess." Niyakap niya ako nang mahigpit. Isiniksik ko lang ang ulo ko sa pagitan ng dibdib niya at muling umiling.

"Kuya... galit pa ba sa akin sila Mama?" tanong ko. Bahagya siyang natawa at muling iniangat ang aking mukha ngunit nagmatigas ako at mas lalo pang sumiksik sa kanyang dibdib.

"They're not angry, Zyrah. They're just worried about you." Marahan niyang hinaplos ang likod ko. And for some reason, I calmed down. He is indeed my daily dose of sanity. My breath of fresh air.

Kumalas si kuya sa pagkakayakap sa akin at bahagyang tinitigan ang aking mukha. Hinaplos niyang muli ang pisngi ko at itinayo ako mula sa pagkakaupo sa kama.

"Huwag ka ng umiyak. It's your birthday today. You're supposed to be happy." Nakangiti niyang saad sa akin. Napanguso akong tumingin sa kanya habang nakakunot pa ang aking noo.

"It's your birthday too, kuya. Dapat ay nagsasaya ka sa baba. We had a party for you." Sambit ko pa nang mapagtanto na dapat nga ay nasa baba siya at nakikihalubilo sa kanyang mga kaibigan.

"Nah, I prefer to be with my princess." saad niya pa at muli akong niyakap ng mahigpit. Pagkaraan ng ilang minuto ay kumalas din siya at bahagyang lumayo sa akin. "Let's go." Paanyaya niya sa akin. Kumunot ang noo ko at umiling nang marahan.

"You know I can't, kuya. Magagalit si Papa! I'm sick pa, oh." sabi ko at inilagay ang kamay niya sa aking leeg. Ayokong magalit pa sa akin si Papa, napagalitan na nga ako ni Mama dahil matigas ang ulo ko at naglaro ako sa ulan kahit na pinagbawalan nila ako.

"They wouldn't be mad, Zy. You have me." saad niya at lumuhod sa harap ko. "Sakay na." dagdag niya pa at tinapik ang kanyang balikat.

I instantly wrap my arms around his neck and my legs on his waist. Hinawakan ni kuya nang mahigpit ang aking hita bago maingat na tumayo. I feel so safe. Alam kong hindi ako malalaglag. Alam kong basta nariyan si kuya, walang masamang mangyayari sa akin.

He would sacrifice everything. Siya muna ang masasaktan bago ako. It made me wonder... if someone could surpass his love for me.

Dinala niya ko sa veranda. Nagulat pa ko nang makita na may kama roon sa gitna at ilang kandila sa paligid na sahig.

Namangha ako at napatingala naman sa langit. I could almost see the galaxy. Pakiramdam ko abot kamay ko ang mga bituin. Napabitaw ang isang kamay ko sa pagkakakapit kay kuya at itinaas iyon na tila inaabot ang isang bituin.

Tumawa siya nang marahan bago ako inilapag sa kama. Ito ang gustong-gusto ko kay kuya. Pinaparamdam niya sa akin na isa akong prinsesa, that I deserve the world and he would give it to me if I want to.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 18, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Rule Breakers : Royalty Clash ☠Where stories live. Discover now