Chapter 8: Nuisance of their Lives

3.5K 81 22
                                    


Like the official page of RBRC. Click the external Link or go to my profile to get the link. Thanks :)


- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -


Chapter 8: Nuisance of their Lives


Dylan's Point of View

Naalimpungatan ako dahil sa sigawan nila Darius at Chris, tinatamad akong bumangon at kumuha ng isang basong tubig doon sa lamesa.


"Oh. Gising ka na pala. Good morning senior." Bahagyang tumawa si Sam sa akin.


"Morning? It's afternoon already." Sabi ko saka kinusot ang mata ko.


"Sorry naman dude. Hindi ko namalayan na maghapon ka na pala natutulog diyan" Nang-aasar na sambit nito. Hindi ko siya pinansin. Napatingin ako kayla Darius at Chris na naglalaro ng Tekken, napapailing na lang ako. Sa iisang bahay lang kami nakatirang apat. Hindi ko nga rin alam kung anong pumasok sa utak ko at pumayag ako na tumira sa iisang bahay kasama ang mga sira ulong 'to.


Weekend ngayon kaya naman sinusulit namin ang pagpapahinga, wala rin naman kaming schedule at mamayang gabi pa ang punta namin sa bar nila Chris kaya't sinusulit ko ang pagtulog. Isusubsob ko na sana ulit ang ulo ko nang biglang may yumakap sakin mula sa likuran. I was so pissed kaya marahas ko siyang hinarap and my jaw almost dropped when I saw her face.


"Mahal I missed you!" Malambing na sambit niya. Damn here's the brat again. Ang bilis niya naman nakarating dito.


"Sandra! Kumalas ka nga dyan. Mukha kang unggoy!" Suway ni Sam sabay hila sa kapatid. Yeah, she is Sam's sister pero malayong-malayo ang ugali nila. Kung ano ang ikina-mature ni Sam ayon naman ang kabaligtaran nito ni Sandra.


"Stop it kuya. Maganda ko para maging unggoy." Pagtataray nito. Tumayo na ko, hindi ko maatim ang atmosphere dito.


"Saan ka pupunta mahal ko?" Halos mangilabot ako sa tuwing tinatawag niya kong ganoon. Gusto ko siyang sigawan sa tuwing sinasabi niya na ako lang ang mahal niya pero dahil sa bata pa siya at hindi niya pa masyadong naiintindihan ang mga bagay-bagay ay hinahayaan ko na lang siya.


"Sa CR. Wag mo sabihing sasama ka pa?" Malamig kong sambit. Sumimangot naman siya, sumingit si Darius at kinausap siya. Good. Iniwan ko sila doon nang ine-entertain kuno si Sandra at dumiretso na sa CR.


Naghilamos ako at nag-isip isip ng mga paraan kung paano mailalayo si Sandra sa akin habang nandito pa siya. Ilang sandali lang ay napagdesisyunan kong lumabas na lang din.


Pagkalabas na pagkalabas ko ay lumapit na agad sa akin si Sandra. "Mahal ko pwede ba kong tumira dito? Sige na, please." Pagmamakaawa niya sa akin. Tinignan ko yung tatlong ugok, iniwas nila ang tingin sakin. Napabuntong hininga na lang ako.


"Isang linggo lang." I said with an authority.


Rule Breakers : Royalty Clash ☠Where stories live. Discover now