Chapter 37: Bloody Note

1.4K 40 2
                                    


Aphrodite's Point of View

For a couple of minutes, I literally cried my eyes out. I never thought I'm still capable of doing so. But I think this is the way of my eyes to speak when my mouth can't even explain how broken my heart is.

Pinunasan ko ang mga luha kong hindi pa rin tumitigil at idinilat ang aking mga mata. Sa sobrang lungkot ko ay natulala na lamang ako.

I left out a sigh. Mahina kong sinampal ang aking magkabilang pisngi. I shouldn't be like this. I can't stay like this. I've been on this situation before. That's enough, Aphro! You shouldn't hurt yourself twice just to learn your lesson. Come on! You're better than that. You've dated a lot of boys before and you didn't guard yourself just to be a prey again.

Bahagya kong itiningala ang aking ulo at umiling. I need to get myself together. I don't need another heartbreak. Wala na iyong lugar pa sa pagkatao ko.

Nagpakawala muli ako ng isang malalim na hininga. Sinigurado ko munang maayos ang aking lagay bago lumabas ng cubicle.

But I was shocked as soon as I opened the door.

"Aphro..."

Napakagat ako sa aking labi. Sinalubong ako ng nagtatakang tingin ni Roni.

"What the... Anong nangyare sa'yo Aphro?"

Agad kong iniwas sa kanya ang mga mata ko. Pinasadahan ko ng tingin sa salamin ang itsura ko at napagtanto ko kung bakit ganito na lang ang reaksyon ni Roni. After I've been crying for minutes, my eyes get all red and puffy! My face became pale and my ragingly red waterline serves as a clear giveaway that I've had a sob.

"What happened? Sinaktan ka ba ng gagong iyon?" Bumalik ang tingin ko kay Roni. Dali-dali siyang lumapit sa harap ko at tinignan ang mata kong pagod na pagod na sa pag-iyak. I can see the anger in her eyes and that made me so confused.

"Sinasabi ko na nga ba! Dapat di na kita pinaubaya roon sa gagong iyon. To think that I even gave him my blessing just for the two of you to happen. Gosh! This is so frustrating!" Patuloy na linyahan niya pa. Mas lalong napakunot ang noo ko. Ano bang pinagsasabi nitong si Roni?

"Wait... What are you talking about?"

Sunod-sunod na pag-iling ang binigay niya sa akin. She smiled as she tapped my shoulder.

"Nah, wala ko sa lugar para magsabi sa'yo. But trust me, you got everything wrong." Habang mas nagsasalubong ang kilay ko sa mga sinasabi niya ay mas lalo namang lumalaki ang ngiting nakalagay sa mga labi niya.

"Trust me on this Aphro. Girl's code, remember?" Saad niya pa. I nodded and smiled at her.

"Of course!"

"Lasses before douches." Sabay na saad namin. Halos matawa naman si Roni sa pagkakasabay namin.'

"See? Kaya sana 'wag ka na umiwas sakin! Miss na kita! Halika nga rito!" Parang batang pagmamaktol niya at hinila ako sa isang yakap. This feels so good, I feel like I'm home.

Hindi ko maiwasan ang makaramdam ng pagka guilty. The past few weeks, I only thought of myself. I was in denial stage at first. Hanggang sa ang inisip ko na lang ay kung paano umiwas para hindi masaktan. Hindi ko naisip ang nararamdaman ni Roni. And I just felt so bad.

"Kasalanan talaga 'to ni gago eh! Dahil sa kanya naging awkward tayo tapos sasaktan ka lang. Sana pala-"

Bahagya akong napapangiti habang pinagmamasdan ang pagmamaktol ni Roni nang bigla siyang matigilan at napatulala sa pinto ng CR. Sinundan ko ang tinitignan niya at bumungad sa akin ang seryosong seryoso na mukha ni Chris.

Rule Breakers : Royalty Clash ☠Where stories live. Discover now