Chapter 40: Lonely Man

1.3K 47 4
                                    


Debby's Point of View

"Where the fck are you, Nerd?" Umirap ako kahit alam kong hindi naman niya makikita. The hell? Ang aga-aga niya magpatawag ng meeting. Kung makapag-utos pa parang kung sinong prinsipe.

"I'm on my way. And as far as I know, I'm not yet late." Muli akong napairap. Tiis lang konti Debs. Tiis lang.

"Whatever. Still, you're the Vice President. You're supposed to be here earlier than me." I bit my lip. Damn! This dude is getting on my nerves.

"Excuse me, Mr. Montereal. I'm the Vice President, not your P.A or yaya." Ugh! Nakakainis na 'tong si Sam. Noong nakaraan naman ang bait tapos ngayon biglang sungit! Kainis! Daig pa ang babaeng may dalaw.

"Bilisan mo na lang ang pagkilos-"

I made out a face, as I immediately cut him off. "Whatever, fcker." I said then I ended the call.

I'm so annoyed. I even raised my middle finger towards my phone. Ugh! Ang galing talaga manira ng araw ni Sam. Umagang-umaga oh.

Napabilis ang pagpapatakbo ko dahil sa inis, ilang minuto pa lang ata ay nakarating na ako sa school. Inayos ko lang sa pagkakaparking ang sasakyan ko at padabog ng lumabas.

Habang naglalakad ay narinig ko ang pagkalam ng aking sikmura. Hindi pa nga pala ako nakakapag-almusal. What a great day! I'm hungry and sleepy as fck. Huwag talaga kong umpisahan niyan ni Sam at makikita niya.

Napasimangot pa ako noong may maamoy na pagkain. Damn! Hindi ko alam kung guni-guni ko lang ba o talagang may naamoy akong pancakes. Tinignan ko ang paligid at napanguso. Parang sa bawat hakbang ko papalapit sa office mas lalong tumatapang yung amoy.

Sht! This smell is killing me.

Walang gana kong binuksan ang pinto ng office at halos maglaway na ng makita ang mga pagkain na nakahilera sa lamesa ni Sam. I bet all of those taste good.

Nasa ganoong pag-iisip ako nang marinig ko ang pagtikhim ni Sam sa aking harapan. Kunot noo siyang tumingin sa akin saka napatingin sa kanyang relos at muling tumingin sa akin.

"What? I'm not late." Pagdepensa ko. Napailing lamang siya at tumango sa akin.

Umupo ako sa upuan sa tapat ng mesa niya. Pinipilit kong huwag mapatingin sa pagkain kahit na parang minamagnet ng mga iyon ang mata ko.

Napahinga ako ng malalim at tumingin na lang ng diretso kay Sam.

"So let's start?"

Kumunot ang noo niya at tinitigan ako na para akong nagbibiro. Kumuha siya ng ilang pagkain at inilagay iyon sa harap ko. I looked at him confusingly.

Napasimangot siya bago umirap. "Eat, nerd." This time, ako naman ang napasimangot. Kung makapag-utos siya parang aso lang ang inuutusan niya. Eat? Do I look like a freaking dog?

Tumingin ako sa kanya at napangiwi. "I'm not a dog, freak." Tumaas lamang ang kilay ni Sam bago kinuha iyong isang plato ng pancakes.

"You have to eat. I bet you didn't have your breakfast." Aniya kasabay nang paglapag ng plato sa harap ko. Napasinghap ako sa ginawa niya. Sinusumpong na naman ng kabaitan itong halimaw na 'to.

Tumango na ako at kinuha ang binigay niya. Lulubusin ko na 'to habang di pa siya bumabalik sa pagiging monster. I was about to take a bite when I saw him staring at me and not eating anything.

Napatigil agad ako. Hindi kaya may kung anong lason o something na halo itong pagkain kaya niya binibigay sa akin. Seeing him not even touching any of the foods, maybe he has an evil plan.

Rule Breakers : Royalty Clash ☠Where stories live. Discover now