Chapter 59: Together Again?

Bắt đầu từ đầu
                                    

“Pinatuloy ko po siya dun sa kwarto ko. Nagpapahinga na rin po siya doon” sagot ko dito.

“Ganun ba? Patawarin mo ako, tinawagan ko kasi siya at sinabi kong nandito ka. Ayoko sanang makialam sa problema niyong dalawa pero ayoko namang nakikita kang palaging malungkot. Alam ko namang maaayos pa yang gusot niyong dalawa. Pag may problema kasi inaayos dapat hindi tinatakasan lalo na yung taong mahal mo” wow. Nanermon na naman si Tito.

“Sorry na nga po eh. Promise Tito, bukas na bukas, mag-uusap na kami” tumango-tango na lang siya.

Tumayo na ako at nakita ko si Pakz na nakaupo sa tabi na tila inaantok na.

“Pakz, inaantok ka na. Halika dalhin na kita sa kwarto mo” tumango naman ito kaya binuhat ko na siya. Pinasok ko siya sa kwarto niya at hiniga siya roon. Tulog na tulog na ito kaya iniwan ko na. Lumabas na ako at napadaan naman ako sa kwarto ko kung saan naroon si Charles. Gusto ko mang pumasok ay hindi ko magawa kasi baka maistorbo ko siya.

Dire-diretso na lamang ako sa may altar kasama ang mga evacuees. Gabing gabi na kaya tulog na halos lahat. May nakita akong mahabang upuan na bakante kaya doon ko na lang naisipang matulog.

****

Nagising ako nung bandang 6:30 am. Ibang-iba ang panahon ngayon kumpara kahapon. Lalabas na ang sinag ng araw ngayon samantalang kahapon ay napakadilim. Bumangon na ako sa aking kama nang marealize ko na parang may mali!

Bakit ako nandito sa kwarto ko? Eh diba kasama ko yung ibang evacuees na matulog?

Paano ako napunta dito? Eh baka naman naglakad ako ng tulog?

Pilit kong inalala ang nangyari pero wala talaga akong maalala. Nagtaka rin ako kung nasaan si Charles kasi dito rin yun sa kwarto ko natulog. Imposible ring binuhat niya ako. Hay naku! Makabangon na nga lang.

Paglabas ko nasalubong ko yung ibang evacuees na pauwi na sa kanilang tahanan at may iilan namang nag-iiyakan dahil nawalan sila ng tirahan. Sa labas naman ng simbahan ay nagkalat ang iba’t ibang dahon at mga sanga. May mga puno namang nabuwal.

Marrying My Boss [Completed]Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ