Kinuha ko yong tissue and pinunasan ko yong mukha ko.

“Ampupu niyo naman kasi, hindi niyo ba nakikitang kumakain ako, tapos magtatanong kayo ng mga questions like that.”

Oh sige na, ako na ang walang manners sa edad na bente-kwatro, pero diba nakakabastos yong tanong nila, kumakain kaya ako.

Amp! Anong nakakabastos dun? Eh ikaw lang naman ang nag-iisip ng nakakabastos.Aish! Ang matino kong pag-iisip ang nagtanong niyan. Oo nga naman, wala pang alam ang dalawang to.

Sasabihin ko ba?

Nakakahiya kasi eh, pero usapan kasi naming bawal maglihim sa isa’t-isa.

Tiningnan ko sila parehas, si Juls, si Shan, si Juls, si Shan. Naghihintay lang sila ng sasabihin ko.

Yumuko ako, di ko talaga alam paano ko sisimulan.

“Sai, san ka natulog non? Bakit nagtext ka sa akin na sabihin sa Mom mo na sa bahay ka natulog?”

Ang kulit talaga ni Shan. Tiningnan ko siya sabay ngumiti shyly.

“Hindi na ako virgin.” Sabi ko sa pinakamahinang boses na alam kong aabot sa pandinig ng dalawang talipandas.

“WHAT?!” sabay nilang sigaw ni Juls, as in SIGAW talaga, napatingin yong mga kumakain samin, napayuko ako ulit. Sabay tango lang ng tango, pakiramdam ko bata ako na nahuling nanguha ng pagkain ng kalaro ko.

“Did I hear it right? You are no longer a virgin?” tanong ni Shan ng nakahuma siya sa sinabi ko.

“Hayst! Nakakainis, kailangan talaga ulit-ulitin pa, sinabi ko na nga diba?” naiinis na ako, ayoko na kasi maalala yong pinaggagawa kong katangahan nong gabing iyon eh.

“Oh my! I can’t believe this.” Si Shan again, si Juls walang ginawa kundi umiling-iling

“Even me, I can’t belive this.” That was true, hindi kayang tanggapin ng utak ko, ng immune system ko, ng digestive system ko, at pati na rin ng cardiovascular system ko, tanging reproductive system ko lang ang nakatanggap. Chos! Joke lang.

Kabaliwan ko talaga, nasa hot seat na ako pero nakukuha ko pang magjoke.

“Who’s the lucky guy na pinagsukuan mo ng Bataan?”

“Si Stare.”

“Ano? Stair, as in hagdanan?”

“Sira! Stare, as in S-T-A-R-E” argh! Bwisit tong dalawang to, tama bang magspelling pa sa harapan ko.

Shinake ni Shan yong ulo niya, parang nababaliw lang, tapos biglang tumingin sa akin seriously.

“PInagloloko mo naman ako eh, anong Stare pinagsasabi mo dyan. Ano kayo SOULMATE? Stare siya, tapos ikaw Glance!” Uminit na ang ulo ng bruha, tinopak na po siya.

“Honestly speaking, I forgot his name.” sabi ko with paawa effect. “Nong nagpakilala kasi ako bilang Glance, niloko niya ako, sabi niya Stare daw name niya. Kinagat ko siya sa balikat kasi inaasar niya ako, tapos after ko siya kagatin sinabi niya yong name niya, nakalimutan ko basta Tene something yong apelyido niya eh.”

“Kinagat? Shem! Kelan ka pa naging aso Sai?” si Shan na parang nabaliw na ng tuluyan, hawak niya yong hair niya, sinasabunutan ang sarili.

“Bakit hindi mo natandaan ang name niya? Ano na bang ginagawa niyo non at hindi naregister sa utak mo?”

Kailangan talagang itanong? Curious much lang?

“Kasi he came inside my body na.”

Alam ko para akong tanga, para akong bata magsalita ngayon kahit ako ang pinakamatanda sa amin, pero kasi naman diba? Sinong hindi magbaby talk pag ganito na mga kaharap mo, parang gusto ka na nilang kainin ng buhay dahil sa katangahang nagawa mo.

“Syete! Sa iba pala pumasok.”Ganyan talaga magmura si Shan, pagpasensyahan niyo na.

 Tapos nagtawanan silang dalawa, makikitawa na sana ako kaya lang tumigil sila tapos tumingin na naman sa akin ng ala-tigre.

Takte! Di ba talaga ako tatantanan ng dalawang to? kinakabahan ako ng sobra sa kanila eh.

“Katangahan mo Sai, gusto kitang patayin alam mo ba yon? Bakit ginawa mo yon sa lalaking hindi mo kilala at ni hindi mo matandaan ang pangalan? Paano pag nabuntis ka?” Sinermunan na ako ni Shan, love ako niyan eh.

“Pag nabuntis ako, hindi ko ipapalaglag. Mali na nga yong ginawa ko tapos gagawa pa ako ng isang mali.”

“Hindi mo man lang ba hahanapin yong lalaking yon?” si Shan.

“Hahanapin? Kung may hiya yong lalaking iyon sa katawan niya, hahanapin niya ang kaibigan natin.” Si Juls. “Pero madami sa lalaki ngayon masyadong ano! Makahanap lang nang babaeng papayag eh go na. Ang tanga mo talaga Missy.”

Awts! Ang tanga ko daw? TANGA? As in? nabasa niyo ba? Ang sakit non ah, buong buhay ko ngayon lang ako nasabihan ng ganyan.

“Ikaw na matalino.” Ang sama ng loob ko, di matanggap ng utak ko yong sinabi niya sa akin.

“Nag top3 ka sa MBA pero hindi mo inisip yong magiging resulta ng kapusukan mo.”

Oo na, tanga na ako. Yan na, natanggap na. Pero ang sakit talaga eh.

Hindi ko napansing tumulo na pala yong luha ko. Lumapit naman kaagad sa akin si Shan at niyakap ako.

“Sorry, alam ko namang mali yong ginawa ko eh, hindi ko lang alam that time kasi nakainom ako. Pero kailangan bang ipangalandakan na tanga ako? Grabe kayo! Makapagsalita kayo, bakit perpekto ba kayo, never ba kayo nakagawa ng mali?”

Pinapakalma lang ako ni Shan. “Tama na, sshh… concern lang naman kami sayo, ayaw naming may mangyaring hindi maganda.”

“Sorry sa nasabi ko.”si Juls.

“Kumain na tayo, tama na yan.” Inabot ni Juls ang French fries, peace offering niya sa akin, kinuha ko naman.

Sumama man kasi loob ko, saglit lang yon tapos wala na. Kaya ayon masaya kami nila Shan na kumain, kala mo walang nangyari.

-----

hanggang dyan na lang muna ang update :)

mag-UD ako ulit kapag may lima na nagbabasa nito :DD

COMMENT . VOTE . FAN :DD

MIJUSHA : MiSSY GLANCE BLACHE *fin*Where stories live. Discover now