Kabanata 43

69.4K 2.1K 145
                                    

Naglalakad ako ngayon patungo sa waiting shed. Matapos kong mapanaginipan si Mama ay nagkaroon ako ng lakas para bisitahin siya kahit alam ko na itataboy niya ako pagkatapos. Gusto ko pa rin subukan. Natigilan ako sa paglalakad nang biglang nag-ring ang cellphone ko.

Umawang ang labi ko nang makita ko ang numero ni Zachary. Nagdadalawang-isip tuloy ako kung sasagutin ko ba o hindi. Huminga ako nang malalim at sinagot ang tawag

“Hello, Zachary—”

“Nakipagkita ka ba kay Chie Lou, Zel?” pambubungad na tanong niya sa akin.

Namilog ang mata ko at biglang kinabahan. Paano naman niya nalaman na nakipagkita ako kay Chie Lou?

“Y-Yes…” Pumikit ako at tumikhim. “Nakipagkita ako sa kanya.”

“Sinaktan ka ba niya? May sinabi ba siya sa iyo? Saan ka?” sunod-sunod niyang tanong. “Pupuntahan kita!”

Agad akong umiling. “H-Hindi na, Zachary. Uuwi rin ako. Pupuntahan ko pa kasi si Mama.”

“Zel—”

Nailayo ko ang phone ko nang may bumusina.

“Ma’am, sasakay po kayo? Babyahe na kami!” sambit ng lalaki habang kumakaway.

“Sige po!” Ibinalik ko sa tainga ko ang phone habang naglalakad patungo sa jeep. “Zach, ibaba ko muna ito. Paalis na ako.”

“Zel, wait—”

Hindi ko na narinig ang boses ni Zachary nang makapasok ako sa loob ng jeep.

“Kuya, sa may kanto lang!” sambit ko sabay abot ng bayad sa isang pasahero na malapit sa driver.

“Isa lang ito?” tanong ng driver sabay sulyap sa akin.

Tumango ako at bumaling sa bintana.

Tumango ako at bumaling sa bintana

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

“Hija, ikaw na ba iyan?”

Natigilan ako sa paglalakad nang makita ko si Aling Tina na siyang may ayaw na ayaw sa akin. Palagi niya akong sinisiraan sa mga kapitbahay namin noon pa man. Nakita ko ang gulat sa kanyang mata nang makita ako.

Tumango ako. “Magandang umaga po.”

Nakita ko na nakangiti na siya ngayon habang pinasadahan ako ng tingin. Hindi ko na lang siya pinansin at pinagmasdan ang buong paligid ng bahay namin.

Lumapit siya sa akin. “Sino ang hinahanap mo?”

Sumunod ako sa kanya nang binuksan niya ang gawa sa kahoy na gate ng bahay namin. Kinuha niya ang walis sa gilid at hinarap ako.

“Si Mama po,” sagot ko.

Napansin ko na halos hindi na inaalagaan ang bahay at tingin ko ay wala nang tumitira rito. Bigla tuloy akong kinabahan.

“Ang ganda mo na, hija. Mayaman ba ang napapangasawa mo? O may asawa ka na ba? Hindi ka na kasi bumisita rito. Baka naman may kaunting pera ka diyan, alam mo na si Maris—”

Her Secret (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon