Kabanata 12

88.3K 2.5K 265
                                    

Kinakabahan ako habang papatungo sa ikalawang palapag. Ito na ba ang simula? Marami akong mga tanong pero alam ko na hindi ko iyon magawang itanong sa kanya. Marami akong gustong sabihin ngunit pinipigilan ko ang sarili ko na sabihin iyon. Marami na akong napagdaanan sa buhay. Kailan kaya ako magiging masaya? ’Yong totoong saya, hindi panandalian lang.

Ayoko pang makaharap si Zachary. Ayokong malaman niya na hanggang ngayon ay mahal ko pa rin siya.

Napalunok ako nang nakarating ako sa tapat ng room 14. Humigpit ang hawak ko sa mga gamit na dala ko habang nagdadalawang isip kung kakatok ba ako o hindi. Humugot ako ng malalim na hininga bago kinatok ang pinto ng pangatlong beses.

“House Keeping!” Pilit kong sinigla ang boses ko kahit naroon pa rin ang kaba.

Umawang ang labi ko at bahagyang napaatras nang bumukas ang pinto. Bumungad sa akin ang nakatuwalya lamang na si Zachary. Basang-basa ang buhok niya habang ang tumutulong tubig ay dumadaloy patungo sa kanyang magandang katawan. Napalunok muli ako at nag-angat ng tingin sa kanya. 

“Tsk, come here.”

Ngumisi siya at binuksan ng malaki ang ang pinto at saka tumalikod sa akin. Bumuntonghininga ako at saka sumunod na sa kanya. Nang nasa loob na ako ay iginala ko ang paningin ko sa buong kuwarto at halos madismaya nang nakitang walang makitang kalat.

“Wait for a minute. Magbibihis lang ako.”

Agad akong napatingin sa kanya nang nagsalita siya. Nakita ko siya na pumasok sa loob ng walk-in-closet. Bumuntonghininga na lamang ako at naibagsak ang dala kong mga gamit. Narito ako para maglinis. Hindi para sa kanya. Kaya kahit wala namang masyadong kalat, kinuha ko ang walis at dust pan upang maghanap ng kalat.

“What the hell are you doing?”

Napatalon ako sa gulat nang narinig ko ang malalim at iritadong boses ni Zachary. Nang nilingon ko siya ay nakabihis na siya. He was wearing a white sweatpants and Striped Crew-Neck sweater. Kumunot ang noo ko sa suot niya pero hindi na lang ako pumuna.

“Uh…naglilinis?” I shrugged at nag-iwas ng tingin.

Pero gano’n na lang ang pagkagulat ko nang bigla siyang lumapit at hinawakan ang kamay ko. Namilog ang mata ko sa kanyang ginawa kaya nabitiwan ko ang walis. Umawang ang labi ko nang hinila niya ako patungo sa sofa at puwersahang pinaupaupo. 

Nang nakaupo ako ay sinamaan ko siya ng tingin. “Zach—”

“You are not going to clean my room,” pagputol niya sa sinabi ko at akmang tatalikuran ako nang bigla kong hinawakan ang braso niya.

Pero agad kong nabitiwan ang kanyang kamay nang humarap siya sa akin. Para akong nakuryente sa kanyang kamay. Bumilis ang tibok ng puso ko nang inilapit niya ang kanyang sarili sa akin. Ang kanyang kamay ay nakahawak na sa lamesa habang nililiitan ako ng mata.

“Are you afraid of me?” hindi makapaniwala niyang tanong. “Don’t be. I am not going to eat you.” He grinned.

Napalunok ako at nag-iwas ng tingin. “H-Hindi…”

Bumuntonghininga siya at saka lumayo na sa akin. Nakangisi pa rin siya. “Don’t worry. I am not going to touch you without your permission. I just want you to join me on my breakfast.”

Napatingin ako sa kanya. “Tapos na akong kumain at may trabaho pa ako,” agad kong pagdadahilan.

Totoo naman. May trabaho pa ako at hindi magandang tingnan na ang isang house keeper na kayaga ko ay makisalo sa guest. Kapag nalaman ng head, baka ipapatanggal ako.

“You’re so thin. Are you even taking care of yourself?” He arched his brow.

Bigla akong nainis. “Okay lang naman ako—”

Her Secret (COMPLETED)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu