Kabanata 26

78.4K 2.7K 459
                                    

Dali-dali  kong d-in-ial ang numero ni Sarah habang tumatakbo papasok sa loob ng ospital. Hindi ko alam kung sinusundan ba ako ni Zachary pero natatakot ako.

“Hoy, gaga!” bungad ni Sarah sa akin nang sinagot niya ang tawag ko. “Bakit mo pinatayan ng tawag ang anak mo? Iyak nang iyak si Zellor!”

Bigla akong na-guilty. Hindi ko naman iyon sinasadya. Masyado lang akong natakot. Narinig ko rin ang iyak ng anak ko sa kabilang linya kaya mas lalo lang akong na-guilty. Hingal na hingal ako habang tumatakbo patungong ikalawang palapag gamit lang ang hagdan. Huminto ako saglit dahil sa pagod at nilingon ko ang likuran ko kung may sumusunod ba sa akin o wala.  

“S-Sorry,” hinihingal ko na sambit. “Nakita ko si Zachary!”

Narinig ko ang kanyang pagsinghap. “Nasaan ka ba? Tumatakbo ka ba?” nag-aalala niyang tanong sa akin.

Naisandal ko ang kamay ko sa pader at humugot ng malalim na hininga. “P-Papunta na ako riyan.”

“Wala kami sa kwarto, Zel. Nasa canteen kami!” aniya na siyang ikinatigil ko.

Nang nilingon ko ang likuran ko ay halos mahulog ang phone ko nang nakita ko si Zachary. Nanlaki ang mata ko at bumilis ang tibok ng puso ko. Agad-agad kong ibinaba ang tawag at nailagay ko sa dibdib ang phone dahil sa kaba at takot.

“Z-Zach…” Nanginig ang boses ko.

Salubong ang kanyang kilay habang ang kanyang mata ay madilim. “Why are you running?”

“I…”

“May dapat ba akong malaman, Zel?” tanong niya at humakbang patungo sa akin. Napaatras ako sa sobrang taranta. Namumutla na ako sa sobrang kaba at takot. Hindi ko inaasahan ang araw na ito.

Bumaba ang tingin niya sa dala ko. “Sino ang bibigyan mo ng gamot? Bakit ka tumakbo, Zel. Nagtatanong lang naman ako.”

Hindi ako makasagot at nag-iwas ng tingin. Aamin na ba ako? Wala na ba talaga akong takas? Akmang lalapit pa sana siya sa akin nang may biglang kumalabit sa akin. Pareho kaming natigilan ni Zachary at sabay na nilingon ang bata.

Ngumuso siya at tinuro ang gamot na dala ko. “Ate, iyong gamot ko po. Ang tagal niyo raw po.”

Umawang ang labi ko. “Huh?”

Napakamot ang bata sa kanyang ulo. “’Yong pinautos po ni Mama sa iyo, kailangan na po ng kapatid ko.”

Hindi ko siya maintindihan pero ibinigay ko na lang sa kanya ang dala ko. Hindi ko alam kung bakit pero iyon na lang yata ang paraan para mailigtas ko ang sarili ko kay Zachary.

“S-Sorry, natagalan,” nauutal kong sabi at napakurap-kurap.

Tumakbo na ang batang babae palayo sa akin. Siguro bibili na lang ako ng bagong gamot para kay Zellor. Akmang magpapatuloy na sana ako sa paglalakad nang hinarangan ako ni Zachary.

“Zel…”

“Ano pa ba?” inis na tanong ko. “Kung ano ang gusto mong kumpirmahin, ewan ko na lang sa iyo! Narito ako kasi may tinutulungan ako.”

“Paano mo maipapaliwanag ang narinig ko kanina? I heard a baby boy calling you ‘Mama’.” Tinaasan niya ako ng kilay at pilit hinuhuli ang tingin ko.

“Zach!” Nagtaas ako ng boses. “Ikaw na mismo nagsabi na lalayo ka muna sa akin! Sinabi ko rin na ayaw na kitang makita! Ano ba ang gusto mong malaman, ha?”

Hindi siya nagsalita at nakita ko na kinagat niya ang kanyang pang-ibabang labi. Kumirot ang puso ko nang makita ko ang umaasa niyang mata.

“Aalis na ako!” Humakbang ako pababa ng hagdan. Wala naman pala sina Sarah at Zellor, kaya tingin ko ay mamaya ko na lang sila pupuntahan kapag wala na si Zachary.

Her Secret (COMPLETED)Where stories live. Discover now