Kabanata 8

102K 3K 465
                                    

Hindi ako nag-overtime. Sinabi ko kay Ma’am Emma na hindi ako magtatagal at dinahilan ko na lang ang anak ko para pauwiin ako. Ayaw ko na magtagal sa isang lugar na alam ko na malapit lang si Zachary. At totoo naman na kailangan ako ng anak ko.

Hindi naman malayo ang inilayo ko sa kanya sa totoo lang. Hindi naman malayo ang Badian Island sa Moalboal. Wala lang talaga akong matatakbuhan na malayo at hindi ko rin in-expect na may Zellor na pala sa tiyan ko noon.

Mahal ko pa rin si Zachary hanggang ngayon. Ayoko lang na gumulo muli ang buhay ko na tahimik na. Pinagdurusahan ko na ang kasalanan ko. Ayoko na magkasala ulit at mas importante ang anak ko.

Maraming mga ideya na pumasok sa isip ko na nagpasakit lang ng ulo ko. Hindi ordinaryong pamilya ang pamilya ni Zachary. They’re millionaires, businessmen, and politicians. Sila ang mga taong napakapribado ang buhay na walang masyadong exposure sa media. They’re too powerful.

Pero kung anak ko ang mawawala sa akin, hindi ko alam. Kahit gaano pa sila ka-powerful, lalabanan ko sila. Hindi ko hahayaan na makuha niya ang anak ko kung sakaling malaman niya. I will fight for my son because he is my only hope and strength.

Nang nakauwi ako, ang iyak ni Zellor ang sumalubong sa akin. Karga-karga siya ni Tiya Merna habang pilit na pinapatahan. Agad kong inilapag ang sling bag ko sa upuan at dali-daling lumapit kay Zelor at saka kinuha ko siya mula kay Tiya Merna.

“Baby, tahan na.” Hinaplos ko ang kanyang basang buhok at saka mga luhang patuloy pa rin sa pagtulo. “Ano ang gusto mo?”

Nang binalingan ko si Tiya ay umiiling na siya sa akin.

“Kanina pa iyan iyak nang iyak. Hindi ko na alam kung paano ko iyan patatahanin. Hindi bali, titimplahan ko muna siya ng gatas,” ani Tiya sabay tungo sa kusina.

Bumuntonghininga ako at natigilan saglit nang napansin na nakatingin na sa amin ang ibang nangungupahan. Kinagat ko ang ibabang labi ko at saka nag-iwas ng tingin. Nahihiya na ako dahil baka naingayan sila sa anak ko.

“Shss…Tahan na, anak. Nandito na si Mama,” pagtatahan ko sabay halik sa kanyang noo. “Nandito na ako.”

Ngumuso ako at mahinang nag-lullaby. Habang ginagawa ko iyon ay nag-sway naman ang katawan ko. Ilang saglit lang ay unti-unting tumigil sa pag-iyak ng anak ko kaya napangiti ako. Pinunasan ko ang kanyang mga luha at umupo sa sofa at kinandong. Inayos ko ang kulot na buhok ng anak ko.

“Ano ba ang gusto ni baby? Bakit ka umiiyak?” Ngumuso ako pagkatapos at pinisil ang kanyang namamasang pisngi. Pinatayo ko rin siya sa aking hita pagkatapos.

“Ma…ma!” maligayang sambit ng anak ko habang pumalakpak.

Umawang ang labi ko at natawa.

“Mama!” panggagaya ko.

“Ma…ma!”

Tumango ako at higpit na hinawakan ang anak dahil nagsisimula na naman siyang maging makulit.

Her Secret (COMPLETED)Where stories live. Discover now