Kabanata 28

81.2K 2.9K 434
                                    

Nakatulala ako. Hindi ko alam kung ano ang ire-reply ko sa mensahe niya. Masyado akong nagulat. Natatakot ako na baka isang araw, mawala na sa paningin ko ang anak ko. Natauhan lang ako nang biglang may yumakap sa akin. Napasinghap ako at nanubig muli ang mata nang nakita na ang anak ko ito.

"Mama!" Humigpit ang yakap niya sa leeg ko. "Am!Am!" Tinuro niya ang bibig niya sabay nguso.

Napakurap-kurap ako at saka binuhat siya. Iniwala ko sa isip ko si Zachary at pilit itinuon ang pansin sa anak ko.

"A-Anak..." Napalunok ako at saka tiningnan siya ulit. "Mahal na mahal ka ni Mama, ha? Tandaan mo iyan."

"Mama! Lablab!" Ngumuso siya.

Napangiti ako. "Hindi ko hahayaan na mailayo ka sa akin. Mahal na mahal kita."

Lumabas kami ng kuwarto at pinaupo ko si Zellor sa high chair. Binili ni Sarah ang high chair noong nakaraan. Ang sabi niya, kailangan daw ito ni Zellor para maisabay namin siya kapag kakain kami.

"Oh, kakain na kayo?" Biglang pumasok si Sarah sa eksena habang may dala-dalang tasa. Umupo siya sa tabi ni Zellor at pinagmasdan ako na kumukuha na ng kanin sa rice cooker. "Mukhang busog pa naman itong si Zellor, ah?"

Inilapag ko ang kanin sa lamesa at tiningnan siya. "Katatapo lang niya uminom ng gatas. Ako naman ang kakain."

Natawa siya at inilingan ako. "By the way, punta ka, ah? Wal namang pasok si Diana sa Biyernes at willing siyang bantayan si Zellor."

Naghila ako ng upuan at saka umupo na. Kumuha ako ng kutsara at binuksan ang ulam na tinakpan ng pinggan.

"Pag-iisipan ko pa nga, eh." Gamit ang tinidor, kumuha ako ng tocino at inilagay sa plato ko. "Wala naman akong plano na um-attend sa ganyang party."

Ngumiwi siya sa akin. "Huwag kasi mag-isip ng masama! Isang gabi lang naman at pagkakataon na rin ito para mas lumago ang negosyo mo. At wala namang masama na magpunta sa party. Huwag kang ngang maging ina always! Ang bata-bata mo pa nga, eh."

Napailing ako sa kanyang sinabi at sumubo na ng kanin. "Sarah, iba na kasi ngayon. May anak na ako."

"Edi, isama mo na lang!" pagpipilit niya at kinurot ang pisngi ng anak ko bago kumagat sa cupcake na hawak niya.

"Palagi kang kumakain ng cupcake. Magkaka-diabetes ka niyan." Agad akong umiling. "At mas lalong ayaw ko, Sarah. Bakit ko naman isasama ang anak ko?"

Naibagsak niya ang balikat niya. "Ewan ko sa iyo." Tiningnan niya ako. "Sabihin mo lang sa akin kapag nagbago ang isip mo. Naiirita na ako kapag kinukulit ako ng boss ko. Baka magre-resign ako ng wala sa oras!"

Hindi na ako nagsalita at nagpatuloy na lamang sa kinakain.

"Maganda ba ito?" tanong ni Sarah at ipinakita sa akin ang phone

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Maganda ba ito?" tanong ni Sarah at ipinakita sa akin ang phone. Nang sinilip ko ito, tinutukoy niya ang royal blue off-shoulder dress na hapit na hapit sa katawan. Sigurado ako na bagay na bagay ito sa kaniya.

Her Secret (COMPLETED)Where stories live. Discover now