Kabanata 38

70.1K 2.1K 153
                                    

Nakatingin lang ako kay Zach habang sinusubuan niya si Zellor ng cake. Nakita ko ang saya sa mata ng anak ko habang nasa kandungan siya ni Zachary. Na-realize ko na mabuting ama pala ni Zachary sa anak ko.

“Uy, tigil!” natatawang saway sa akin ni Sarah. “Baka matunaw.”

Bigla akong natauhan at tinapos na lang ang kinakain ko. Kaming dalawa ni Sarah ang nasa isang table habang ang mag-ama ko ay malapit sa cake.

“Grabe naman si Zach, mahal na mahal niya talaga ang anak niya.” Nilingon niya ako at kinindatan. “Baka hindi ka na titigilan ni Zach, girl! Sa ilang taon niyo ba namang hiwalay tapos may tinago ka pang remembrance, hdi na ako magtataka kung taon-taon kang manganganak!”

Inis ko siyang binalingan. “Kanina ka pa, ah! Talagang araw-araw ko nang papuntahin dito si Ethan.”

Umirap siya at umayos ng upo. “Wala akong pakialam sa kanya, Zel. Ang mahalaga ay wala na ako sa kompanya niya at hindi ko na sisingilin ang sahod! Lecheng buhay ito!” Tumayo siya at nagbaba ng tingin sa akin. “Pupuntahan ko muna si Diana. Ikaw, huwag ka puro titig. Hindi nakabubuntis ang titig.”

“Sarah!”

Halakhak lang ang kanyang isinukli sa akin bago siya umalis. Napabuntonghininga na lang ako at ibinalik ang tingin sa mag-ama ko. Tumayo ako at dinala ang pinggan patungo sa kanila.

“Anak…”  Umupo ako sa tabi ni Zachary at pinunasan ang kalat sa gilid ng labi ng anak ko gamit ang tissue na naka-display sa lamesa.

“Kumain ka na ba?” tanong ko matapos kong punasan si Zellor at binalingan si Zachary.

Ngumiti siya sa akin sabay haplos sa buhok ng anak ko. “Yep, tapos na akong kumain.”

Medyo nadismaya ako sa kanyang sagot pero naintindihan ko. Siguro kumain na siya sa kanila.

Tumango ako sa kanya at inayos ang buhok ng anak ko. “Masaya yata ngayon si Zellor, siguro dahil nandito ka.”

Naibaba ko ang tingin ko sa aking kamay nang bigla niya itong hinawakan. Hinaplos ng kanyang daliri ang singsing na ibinigay niya sa akin.

“I will be the happiest guy on earth kapag naikasal na ako sa iyo, Zel.” Umawang ang labi ko at nag-angat ng tingin sa kanya.

Tuluyan na akong nalusaw nang bigla siyang ngumiti sa akin. Ngiti na hindi peke at umabot hanggang tainga.

“Zach—” Natigilan ako sa pagsasalita nang bigla kong nakita si Ethan na papatungo sa amin.

Sumimangot si Zachary at napailing. “What are you doing here, Ethan? You are ruining our moment!” Bakas sa boses ni Zachary ang pagkairita.

Umawang ang labi ko at nakita ko na natigilan si Ethan sa paghila ng upuan.

“Oh, did i?” Binalingan ako ni Ethan. “I’m sorry, Zel. I—”

Pinigilan ko siya sa pagsasalita at tumango. “Okay lang, umupo ka.”

Narinig ko ang mahinang pagprotesta ni Zachary at hindi na makatingin sa akin. Ngumiti si Ethan at umupo. Inilagay niya ang kanyang kamay sa ibabaw ng lamesa at tiningnan kami.

“So, hindi ko akalain na ganito pala kasaya kapag may birthday party!”

Umawang ang labi ko. “Iba kasi ang party ng mga mayayaman sa mga mahihirap. Kadalasan sa mga katulad namin, kapag may handaan, ini-invite namin mga tao kahit hindi kilala ang iba. Basta masaya lang ang anak ko.”

“I am happy for the both you, guys,” seryosong sambit ni Ethan. “Hindi ko akalain na sa wakas ay magiging masaya na si Zachary. Kilalang-kilala ko na si Zach, Zel. Akala ko pa naman ako ang unang mag-aasawa sa amin at magka-anak.”

Her Secret (COMPLETED)Where stories live. Discover now