Kabanata 40

71.5K 2.2K 190
                                    

“Grabe, meet the parents na agad!” manghang sambit ni Sarah habang tinatali ko ang buhok ni Zellor.

“Kinakabahan ako, eh!”

Inirapan niya ako. “Bakit ka naman kinakabahan? Kung ayaw sa iyo ng parents niya, edi huwag! At saka, kailan mo ba pagugupitan si Zellor? Mukha na siyang babae!”

Ngumuso ako at nilingon ang anak ko. “Gusto ko pa naman na ganito buhok niya, pero siguro kailangan ko na ngang pagupitan ang buhok niya.”

Matapos kong talian ang anak ko ay nagulat na lang ako nang bigla akong hinila ni Sarah paharap sa kanya.

“Sarah—”

 Nagulat ako nang inilagay niya kanyang hintuturo sa aking labi. “Shut up ka muna! Kailangan mo ng make-over para mas lalong ma-in love sa iyo si Zachary.”

Biglang nag-init ang pisngi ko pero wala akong magawa kundi ang hayaan siya. Nilagyan niya ang labi ko ng lipstick at siya pa ang nagtali sa buhok ko.

“Ayan, mala-Ariana Grande ang look!” Hinawakan niya ang buhok ko at hinaplos. “Ganda ng buhok, ah!”

Napayuko ako. “Kahit ano namang ikaganda ko pareho pa rin ang tingin sa akin, Sarah. Hindi mabubura ang kasalanan namin.”

Inirapan ako ni Sarah at pinalo pa ako sa pwet. Agad akong napalayo sa kanya matapos ginawa iyon.

“Kaya minsan ay nakakainis ka na, Hazel, eh! Masyado kang negative. Puro na lang kasalanan! Bakit? Wala ka na bang karapatang sumaya?” Hinawakan niya ang kamay ko. “Palayain mo ang sarili mo, Zel. Kahit anong mangyari, narito pa rin ako. Hindi ka iiwan ng kaibigan mong maganda.”

Magsasalita na sana ako nang makarinig kami ng busina. Binitiwan ni Sarah ang kamay ko at sinilip ang bintana.

Nakita ko na namilog ang mata niya at kinikilig na binalingan ako. “Narito na si future husband!” Dali-dali niya akong nilapitan at inayos ang spaghetti strap dress ko na kulay white. “Ayan, ang ganda-ganda mo na!”

Napangiti ako dahil sa sinabi niya. “Salamat, Sarah.”

Kinindatan niya ako at umupo sa sofa. “Walang anuman, basta ako ang future ninang sa second baby, ah!”

Inilingan ko na lang siya at sabay kaming lumabas ng anak ko na sobrang likot. Muntik pa siyang madapa dahil sa kanyang pagtakbo palabas.

“Papa!”

Biglang humina ang paglalakad ko at nag-angat ng tingin. Humigpit ang kapit ko sa braso at napakagat sa aking labi nang makita ko ang gwapong mukha ni Zachary.

Sinalubong niya ang anak ko na tumatakbo patungo sa kanya at niyakap. Nilingon ko si Sarah na ngayon ay ngumingiti na.

“Good luck!”   Kinindatan niya ako.

Napangiti ako at hinarap na si Zachary na hawak-hawak na ang kamay ng anak ko.

“Zach,” tawag ko sa kanya at lumapit.

“Takot ka pa rin ba?” tanong niya habang nakatingin sa aking mga mata.

“Kinakabahan ako.” Bumaba ang tingin ko sa anak ko. “Pero dahil nasa tabi ko kayo, iyon ang kakapitan ko.”

Napasinghap ako nang bigla niyang hinawakan ang kamay ko at pinagsalikop. Nag-angat ako ng tingin sa kanya.

“My parents already know about us, Zel.”

Umawang ang labi ko sa narinig.

“Gusto ka nilang makilala. Gusto nilang makilala ang apo nila, Zel. Kaya huwag kang mag-isip ng negative. I will always stay by your side no matter what happen.”

Her Secret (COMPLETED)Where stories live. Discover now