Kabanata 42

66.6K 2K 192
                                    

Ilang araw ang nakalipas simula nang nag-text ako ng mensahe kay Chie Lou. Sa totoo lang, ay kinakabahan ako dahil baka sasabunutan na naman niya ako. Kaya nagpa-practice ako sa anumang sasabihin ko. Palagi akong binibisita ni Zachary pero palagi rin siyang busy kasi may gagawin pa raw siya bago siya mag-leave sa kanyang trabaho. At ngayong araw ay ang pagkikita namin ni Chie Lou. Wala kaalam-alam si Zachary dahil sinabi ko lang na may bibilhin ako.

“Huwag mo nga akong tawagan! Leche!”

Gulat na nilingon ko si Sarah nang marinig ko ang kanyang naiinis na boses. Nasa may pintuan siya habang ang kanyang phone ay nasa kanyang tainga. Agad niyang ibinaba ang phone nang makita ako.

“Aalis ka na?” tanong niya at umupo sa sofa. “Tulog pa si Zellor?”

Tumango ako at inayos ang aking damit. Naka-leggings ako at malaki na T-shirt. Ang buhok ko ay nakatali para kahit papaano, safe pa rin kapag sasabunutan.

“Sige, huwag kang sumiksik sa maraming tao, ah! Buntis ka pa naman!”

“Opo, mahal na reyna!” pang-aasar ko at sinuot na ang sapatos.

***

Sakay lang ng tricycle ay nakarating ako sa public restaurant dito sa lungsod ng Badian. Hindi naman ako mayaman at wala akong pera para makipagkita sa kanya sa isang mamahaling restaurant kaya mabuti at pumayag siya rito.

Kinakabahan ako habang papatungo sa kanya. Nakita ko na pormang-porma siya. Nagmumukha siyang modelo sa tingin ko at mas lalo siyang gumaganda. Nagtataka tuloy ako kung bakit hindi nagustuhan ni Zachary ang ganitong klaseng babae.

Nang lumingon siya sa banda ko ay hinubad niya ang kanyang shades at mataray akong tiningnan. Huminga ako nang malalim bago naghila ng upuan sa tapat niya.

“Nandito ka na pala.” Inirapan niya ako at humalukipkip. “Akala ko pa naman ay maghihintay ako ng mga thirty minutes dito. Ang init pa naman.”

Yumuko ako at umupo na sa upuan. “Pasensya na, may—”

Inangat niya ang kanyang kamay. “Whatever, bitch! Say what you want to say. Ayokong sinasayang ang oras ko para lang sa iyo.”

Napalunok ako at pumikit. “I’m sorry.”

Mahina siyang natawa nang sinabi ko iyon. Nang magmulat ako ng tingin ay galit na ang kanyang mga mata.

“For what? For stealing Zachary from me? Saan ka nagso-sorry? O baka naman nagso-sorry ka lang para maging malinis ang konsensya mo.”

Umiling ako. “Hindi. Gusto ko mag-sorry sa lahat. Ayoko ng gulo, Chi—”

“Ibalik mo sa akin si Zachary!” pagputol niya sa akin at inangat ang isang kilay. “Walang gulo na mangyayari kapag ibabalik mo sa akin si Zachary!”

“I can’t do that.” Napasinghap siya sa sagot ko. “Hindi ako narito para ibigay sa iyo si Zachary. Hindi siya bagay na basta-basta na lang ibibigay.”

“Then what’s the point of saying sorry? Ang kapal ng mukha mo para makipagkita sa akin, kabit ka naman!” Umirap siya.

“Kumabit ka rin naman. Pareho lang tayong may kasalanan dito,” ani ko at umayos ng upo.

Nanlaki ang mata niya sa sinabi ko. “What?”

Kinagat ko ang ibabang labi ko. “Wala na akong oras para magturuan pa kung sino ang may kasalanan. I am sorry kasi nang dahil sa akin ay nasaktan ka.”

“Dapat lang na mag-sorry ka!” Tumaas ang boses niya. “I did everything I could para lang mahalin ako ni Zachary! Pinilit ko pa ang magulang ko na ikasal ako sa kanya para mapansin niya ako.” Tumulo ang luha niya. “Ginawa ko lahat para maging mabuting asawa. I did so many things na bago sa akin! Pero siya, he was cold as ice! Kahit hawak lang sa kamay ko ay hindi niya magawa! Sa iisang bahay kami tumira pero para akong nag-iisa! Hindi niya ako pinapansin!”

Tahimik lang akong nakinig at nanood sa kanya habang siya ay umiiyak habang nagsasalita. Ang kanyang mata ay nagliliyab sa galit.

“Kaya nagawa kong…nagawa kong humanap ng iba para pagselosin siya! Baka kapag nakita niya na may iba ako ay mamahalin na niya ako!” Pinahiran niya ang kanyang luha. “Baka mapansin na niya ako…pero hindi, kabaliktaran ang nangyari. Simula no’n ay hindi na siya umuwi sa bahay! I waited and waited pero halos naging malabo na ang lahat! Kaya dapat lang na mag-sorry ka!”

“Hindi ka niya mahal. Dapat mo na siyang kalimutan para maging masaya ka ulit,” diretsahan kong sabi.

Namilog ang mata niya sa sinambit ko at bigla akong sinampal. Nasapo ko ang pisngi ko dahil sa kanyang ginawa.

“Ang kapal-kapal ng mukha mo na sabihin sa akin iyan! Sino ka ba? Ano ang nagustuhan sa iyo ni Zachary? Walang-wala ka sa akin! Isa ka lang kabit! Bakit ba nagustuhan ni Zachary ang cheap na katulad mo?”

Hinayaan ko siya na batuhin ako ng mga masasamang salita.

“O baka naman ay ginamit mo ang anak mo para bumalik siya sa iyo!”

Kumuyom ang kamao ko. “Walang kinalaman ang anak ko rito, Chie Lou. Isa lang ang pinunta ko rito. Gusto ko lang mag-sorry sa lahat at hindi ko hinihiling na patawarin mo ako.”

Tumayo ako at inayos ang sarili. “Iyon lang, aalis na ako.”

Tatalikuran ko na sana siya nang bigla siyang nagsalita.

“Why? Bakit kailangan pang mawala ang anak ko?”

Umawang ang labi ko at napatingin sa kanya. Tinakpan niya ang kanyang mukha at mahinang humikbi.

“S-Siya s-sana ang magpapabago sa akin. M-Maybe I can…I can live without Zachary. Kung nabuhay lang ang anak ko…”

Kumirot ang puso ko. Nasasaktan ako para sa kanya.

“Chie Lou, I am so sorry. But letting go…letting go of the pain will set you free.”

Nag-angat siya ng tingin sa akin. “Bakit ang swerte-swerte mo?”

“I am not. Hindi ako swerte, Chie Lou—”

“Bakit ba ang bait mo?”

Umawang ang labi ko at gulat siyang t\tiningnan “Hindi ako mabait. Naging kabit ako na walang kamalay-malay. Marami akong kasalanan sa mundong ito, kaya huwag mong sabihin na mabait ako at swerte.”

Kinagat niya ang kanyang pang-ibabang labi at sinuot muli ang shades.

“Sana makahanap ka ng lalaking magmamahal sa iyo, Chie Lou. I am truly sorry.” Tumalikod na ako sa kanya at saka naglakad na palayo.

Hindi man naging maganda ang pag-uusap namin, pero sana iyon na maging daan upang maging malaya na siya. I want Chie Lou to have her own happy ending.

Tatawid na sana ako sa kabilang kalsada nang may biglang humawak sa kamay ko. Nang nilingon ko ay si Chie Lou ang nakita ko.

“B-Bakit?” nauutal ko na tanong.

Inilahad niya sa akin ang pera. Umawang ang labi ko at kunot-noo siyang tiningnan.

“H-huh?”

“This will be my last day here in Cebu.” Nagulat ako sa kanyang sinabi. “I’m sorry if I’m being dramatic. Gusto ko lang bayaran ang cupcake na itinapon ko sa iyo noon.”

Kinuha niya ang kamay ko at inilapag doon ang pera. Tulala akong napatingin doon at nag-angat ng tingin sa kanya.

Tumalikod na siya sa akin at pumasok na sa kanyang kotse. Hanggang ngayon ay gulat pa rin ako. Nakalimutan ko na kasi ang tungkol doon samantalang siya ay hindi pa.

Bumuntonghininga ako at tumawid na patungo sa kabilang kalsada.

Her Secret (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon