Kabanata 39

69.5K 2K 104
                                    

Kinaumagahan ay sinalubong ako ng asar ni Sarah. Wala na yatang plano maghanap ng ibang trabaho ang babaeng ito dahil nakatambay na. 

“Uy, nakakainggit!” Inangat niya ang kamay ko kung saan naroon ang singsing. “Ganda naman ng singsing, sure ako na sobrang mahal nito.”

Kinagat ko ng mariin ang ibabang labi ko at binawi ang kamay ko.

“Hindi ka man lang nagkwento!” Sumimangot siya sa akin. “Nakakatampo!”

Niyakap ko naman siya bigla at nag-angat ng tingin sa kanya. “Sorry na, nahihiya ako, eh!”

Mahina niyang pinalo ang ulo ko. “Anong nakakahiya do’n? Ang swerte mo nga kasi may lalaki na nagmamahal sa iyo, samantalang ako, baka tatanda akong dalaga.”

Kinurot ko ng mahina ang tagiliran niya. “Mapili ka kasi.”

“Hindi ko naman pipilitin ang sarili ko kung hindi ko type,” aniya at napairap.

Humiwalay ako sa pagyakap at hinawakan ang kamay niya.

“Sarah…”

“Oo na, ikaw na ang may hot na boyfriend! Nakakatampo ka talaga!” Tiningnan niya ako ng masama.

Natawa ako ng mahina at tumikhim. “Sarah Jade.”

Ngumiwi siya nang banggitin ko full name niya.

“Ew, huwag mo nga akong tawagi ng ganiyan!”

Ngumiti lang ako. “Maraming salamat, Sarah. Ikaw ang isa sa mga dahilan kung bakit hanggang ngayon ay lumalaban pa rin ako sa buhay.”

Nakita ko na natigilan siya.

“Ikaw ang naging sandalan ko simula pa lang. Noong high school pa lang tayo, hindi mo ako pinandidirian. Hindi mo ako hinuhusgahan. Ikaw ang naging unang kaibigan ko, buong buhay ko, Sarah. Nandiyan ka palagi  kapag may kailangan ako. At sa totoo lang, walang nakakainggit sa akin. Hindi ka dapat maiinggit sa akin, Sarah.” Umiling ako sa kanya.

Unti-unting tumulo ang luha sa kanyang mata.

“At saka, alam ko naman na marami ang nagmamahal sa iyo, Sarah. Ang bait-bait mo tapos maganda pa. Hindi ka tatandang dalaga, okay?”

Pinunasan niya ang luha niya at natawa. “Grabe ka naman, pinaiyak mo ako!”

Binitiwan ko ang kamay niya at sumandal sa unan ng sofa. “Ewan ko sa iyo, Sarah. Seryoso, wala kang dapat ikainggit sa akin. Masyado kang maganda para mainggit.”

Halos hindi ako makahinga nang bigla niya akong sinugod ng yakap.

“I love you na talaga!” Halos itulak ko papalayo ang mukha niya nang hinalikan niya ako sa pisngi.

“Sarah, nakakadiri ka!” Pilit kong inilayo ang mukha niya sa akin. Nanlaki ang mata ko nang makita ko si Diana na nakatulalang nakatingin sa amin habang hawak niya ang kamay ni Zellor.

Kumalas sa pagkayakap sa akin si Sarah at tumayo. Ako naman ay naghahabol na ng aking hininga.

“Sa akin ka muna, baby Zellor! Gagawa na naman ng bagong baby si Hazel kaya akin ka muna.”

Biglang nag-init ang pisngi ko sa sinabi niya at napatakip na lang sa aking mukha gamit ang unan.

Importante na sa buhay ko si Sarah. Siya iyong tipong tao na papakinggan ka kapag gusto mo ng kausap. Hindi ka niya iiwan kahit anong mangyari at naiisip ko rin kung ano nga ba ang nagawa ko sa kanya. Kasi, siya na lang palagi.

Nang maghapon ay naglilista ako ng mga bagong bibilhin para sa cupcakes ko. Wala sa tabi ko si Zellor dahil pinasyal siya nina Diana at Sarah sa parke. Mabuti na lang din para matapos ko itong ginagawa ko.

Her Secret (COMPLETED)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ