Eighteen ★ - Buong Puso

8.1K 187 15
                                    

November 1, 2014 - Update <3 :) Pasensya na po at natagalan. Writer's block tapos tinatamad. Mahirap kalaban yun XD :))) 

P.S. Sana ay may mabait na tao na gumawa ng cover ng story ni Asher. :)) Sanaaaaa <3 

Enjooooooooooooy. Medyo sabaw na update. Sensya na guys :D 

-----------------------------------------------------------------------------------------------------

Chapter Eighteen

Hindi ko alam kung ano ang ginagawa ko dito sa loob ng taxi habang papunta sa isang coffee shop sa may Ayala. Doon kasi napagpasyahan ni Kevin na makipagkita sa akin. Oo, magkikita kami pagkatapos niya ako puntahan sa mismong bahay namin noong isang araw na magkakasama kami ng mga kaibigan ko. Kararating ko lang noon sa bahay ng bigla siyang dumating, ang sabi niya ay sinundan niya raw ako mula sa kung saan kami nagkita nila Dana.

Mabuti nalang at noong dumating siya ay wala pa si Asher kung hindi ay ewan ko nalang kung ano ang pwedeng mangyari. Alam ko naman kasing masama ang loob ni Asher sa taong ito dahil sa mga nalaman niya noong nagkaroon ng gulo sa shop ni Kevin. Gusto niya raw kaming magkausap ng masinsinan upang malinaw ang mga issue. Ayokong pumayag, dahil hindi ko na kailangan ng mga kung anu-ano pang kasinungalingan na lalabas sa bibig niya.

Pero noong sinabi ko iyon kay Asher ay pinayuhan niya akong kausapin ko nalang din upang magkaroon ng proper closure. Sa tingin ko kasi ay hindi ko na kailangan non, pero gusto kong sundin si Asher kasi pakiramdam ko gagaan ang nararamdaman ko kahit konti.

“Nandito na po tayo mam” narinig kong sabi ng driver. Nagabot ako ng 500 bilang bayad ko rito.

“Keep the change na po manong” nakangiting sabi ko rito at lumabas na ng kanyang taxi. Nagpasalamat ito at umalis na upang magbyahe na ulit.

Agad akong pumasok sa loob ng shop at umupo sa may malapit sa glass window kung saan may matatanaw kang matataas na building. Malaki ang buong shop kaya naman hindi nagsisiksikan ang mga customers, dalawang palapag din ito kaya naman masarap talagang puntahan. May kakaiba kasi itong atmosphere na magiging dahilan upang makaramdam ka ng kasiyahan. Feeling mo kapag nandidito ka ay nawawala iyong stress mo at narerelax ka.

“Hi” napalingon ako dahil sa pamilyar na boses na narinig ko. Nakita ko si Kevin na nakapang-business suit pa at may dala dalang bulaklak na tulips. Ang paborito kong klase ng bulaklak. Noong kami pa ay madalas niya akong dalhan at bigyan ng ganoong bulaklak. Ngumiti ako ng tipid sa kanya ng iabot niya ang bulaklak sa akin at nang magtangka siyang hahalik sa akin ay iniiwas ko agad ang mukha ko sa kanya.

Ang gagong ito, akala siguro niya porque binigyan niya ako ng bulaklak ay makukuha niya na agad agad ako. Nandidito ako upang magkaroon ng closure, hindi para makipagbalikan sa katulad niyang ungas.

“Mabuti naman at pumayag kang makipagkita sa akin, Rina” panimula niya ng makaupo siya sa tapat ko.

Her Paid Husband ★ (On-Going - Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon