Four ★ - Slowly falling for him

11.4K 168 5

Short update also. HAHAHAHA Alam niyo ba kung anong pangarap ko ngayon? Ma-published ang istorya nila Gabbie at Lucas. HAHAHAHAHA At kapag nangyari iyon, ipagdadasal ko rin na mapublished sila Ethan at Sabrina pati na itong kay Asher at Ina. :)))) Ipagdasal natin iyon guys!! :))) FIGHTING!! 

------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Chapter Four

Ina’s POV

                “Kakain tayo sa labas kasama ang mga kaibigan natin” sabi nito habang palabas ng opisina ng judge na nagkasal sa amin. Oo, ngayong araw ang kasal naming dalawa. Simple at payapang kasalan ang naganap sa pagitan naming dalawa. Madali niyang naayos ang mga kailangan ko at ang alam ko ay pinaaasikaso niya na rin sa kanyang abugado ang tungkol sa pagiging residente ko dito.

                Iba pala talaga kapag mayaman iyong mapapangasawa mo, mabilis at wala kang dapat alalahanin dahil magigising ka nalang na tapos na ang problema. Iba talaga ang kapangyarihan ng pera, kung sabagay nawawala ang prinsipyo o paninindigan ng isang tao kapag pera ang usapan. Parang kapag nakikipagpustahan ka lang yan, kapag alam mong malaki ang makukuha mo kahit na makakasakit ka ng tao sa huli ay wala kang pakielam dahil malaki ang mapapakinabanggan mo.

                “Hey. You okay?” napagitla ako ng marinig kong magsalita si Asher. Lumipad na naman sa kung saan ang utak ko kaya siguro nag-alala na naman ito. Ganyan kasi siya, sa ilang linggo naming pagsasama ay nakasanayan niya ng tanungin ako kung okay lang ako kapag natatahimik ako. Tumango lang ako at ngumiti sa kanya. Wala akong sa mood magsungit kaya naman iyon nalang ang ginawa kong reaksyon. At saka, kasal namin ngayong araw gusto ko munang pagpahingahin ang pagiging maldita ko.

**

                Kararating lang namin dito sa isang restaurant na mukhang mga mayayaman na tao lang ang puwedeng kumain. Agad kaming inassist ng isang waiter at pinaupo kami sa pang-apatan na lamesa. Mabuti nalang at walang pasok itong si Kirk at Jem kaya naman sila ang tumayong witness sa kasal namin. Nang maka-upo kaming apat ay agad kaming inabutan ng waiter ng menu, tinignan ko iyon at noong makita ko iyong presyo ay dahan dahan kong isinarado. Lahat ay 3-digit numbers at kung hindi ako nagkamali ng tingin ay iyong tubig lang ang libre dito.

Her Paid Husband ★ (On-Going - Slow Update)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!