Fifteen ★ - Philippines

8.6K 125 5

Enjoooooooooooooooooy! Thank you sa mga nagbabasa <3 

----------------------------------------------------------------------------------------------------

Chapter Fifteen

“Nailagay mo na ba iyong mga gamit Asher?” tanong ko sa asawa kong kinuha ang kanyang panlamig sa closet.

“Opo wifey” masayang sabi nito. Mababakas mo sa kanyang boses ang kasiyahan dahil uuwi na kami ng Pilipinas pagkalipas ng halos isang taon. Parang kailan lang noong nabunggo ko siya sa NAIA tapos ngayon, babalik ka ng magkasama sa Pilipinas.

“Let’s go, nag-iintay na sila doon” sabi ko rito at lumabas na ng bahay. Pumasok na ako sa loob ng kotse at pagkatapos niyang ilock ng maayos ang bahay ay sumakay na rin siya sa kotse at nagdrive papuntang airport.

Walang nagsasalita sa aming dalawa habang nasa byahe. Palagi namang ganoon ang sitwasyon naming dalawa kapag naalis kami, walang nagsasalita, at mas gusto naming dalawa iyon. Pagkatapos ng ilang minutong magmamaneho ay nakarating din kami sa airport. Agad kaming pumasok sa loob, dala dala ang tig-isa naming maleta ng asawa ko. Nang makapasok kami sa loob ay agad din naming nakita si Kirk, Jem, Martha, at Tyler. Oo, kaming anim ang uuwi ng Pilipinas kaya ewan ko nalang kung ano ang mangyayari sa amin doon kapag nakabalik kami sa lugar kung saan talaga kami nabibilang.

“Ang tagal niyo ‘teh” singhal ni Martha sa akin ng makalapit kami sa pwesto nila.

“Nandito na kami, nagrereklamo ka pa” masungit na sabi ko rito.

“Highblood lang?” pang-aasar pa nito. Sinamaan ko lang siya ng tingin na naging dahilan ng kanyang pagtawa. Lumapit ako sa asawa ko at kumapit sa kanya. Aaminin ko, sobra ang kabang nararamdaman ko ngayong nalalapit na ang pagbalik ko sa Pilipinas. Pero, may saya rin akong nararamdaman. Dahil once na lumapag ang eroplanong sasakyan namin sa Pilipinas ay magsisimula na rin ang naging dahilan kung bakit kinakailangan kong gawin ang bagay na ito.

Mga ilang minuto pa ang lumipas ay tinawag na ang flight namin at pumasok na kami sa loob ng eroplano. Agad kaming pumuwesto san aka-assigned seat sa amin. Si Martha at Tyler ay magkatabi sa kanang gilid namin, samantalang sa kaliwang gilid naman si Kirk at Jem. Nasa gitna kami ni Asher, ibig sabihin wala kaming bintana pero ayos na rin iyon kasi pwede naman akong magbasa nalang ng libro habang si Asher ay busy sa pag-aaral ng ilang papels.

“You should relax and rest, hubby” alanganing sabi ko rito. Bago kasi umalis ay papels rin ang pinag-aaralan niya, tapos sa halip na magpahinga siya ay heto na naman pinag-aaralan niya na naman ang mga iyan.

“Don’t mind me wifey, kailangan ko lang talagang mapag-aralan ito” sabi nito habang buong buo ang kanyang atensyon sa kanyang inaaral na proposal.

Her Paid Husband ★ (On-Going - Slow Update)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!