Twenty - Three ★ - Pancit Canton

12.1K 215 73

MERRY CHRISTMAS! Godbless sa inyo at sa mga family niyo :) Early christmas gift ko para sa inyong mga sumusuporta at nagbabasa ng istorya ni Asher at Ina :)) Nawa'y magustuhan niyo. 

Short & Bitin update

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Chapter Twenty-Three


“Ilang araw nalang birthday mo na, hubby” paalala ko sa asawa kong kasalukuyang nasa kanyang office table at abalang abala sa pagbabasa ng ilang paper. Maaga kasi siyang umuwi galing sa trabaho at kasama niyang umuwi ang sangkatutak na papeles.

“Yeah. I know, wifey” sabi nito habang masyadong nakapokus sa kanyang binabasa. Dahil marami siyang dalang papeles ay nagprisinta na akong tulungan siya. Sayang naman kung hindi ko magagamit ang pinag-aralan at pinagsikapan kong tapusin ng apat na taon. Halos lahat ng dala niyang papeles ay mga proposal projects sa iba’t-ibang bahagi ng bansa at meron pang internationally na project.

“What’s your plan, Mr?” tanong ko sa kanya

“A simple celebration with my family, friends, and you will do” simpleng sagot nito. Nakakatuwa ang itsura niya, masyadong concentrated sa ginagawa at binabasa niya. Kahit tuloy may binabasa ako dito sa may mini sala set niya na mga papel ay hindi ko maiwasang titigan at pagmasdan siya. Nagkakaroon tuloy ako ng pagkakataon na makita kung papaano magsalubong at magtaas yung kilay niya, nakikita ko rin kung papaano siya mapangisi dahil sa binabasa niyang mga business proposal.

“Can I invite my friends?” gusto kong malaman nila kung saan ako nakatira para kung sakali man ay maaari nila akong mapuntahan.

“Of course, they’re my friends too” dahil sa sinabi nito ay napangiti ako at ipinagpatuloy ang pagbabasa ng mga papel. Minsan nagtataka ako kung ano ba talaga ang trabaho niya doon sa kompanyang pinagdalhan niya sa akin. Hindi ko alam kung siya baa ng CEO kasi ang dami niya kayang inaaral na mga papel, o simpleng trabahador na sadyang mataas ang katungkulan at nagkataon na siya ang madalas na maraming inaaral na business proposal. Pero kung ano pa man ang trabaho niya, at least masaya siya kahit na madalas siyang stress at pagod.

Nagugutom ako. sambit ko sa isipan ko pero tinatamad akong bumaba sa kusina para magluto ng pagkain. Napabuntong hininga nalang ako at bumalik sa pagsulyap sa asawa ko. Pasado alas-tres palang ng hapon pero pakiramdam ko ay gabi na dahil sa medyo malakas na ulan sa labas. Mabuti nalang at noong nakauwi ang asawa ko ay hindi pa ganoon kalakas ang ulan at hindi pa baha sa labas. Paniguradong kung mamaya pa siya uuwi ay mahihirapan siya dahil sa baha at sarado ang mga daanan.

Kinuha ko ang cellphone ko at nagconnect sa wifi pagkatapos ay nagpunta sa Instagram. Alam ko namang hindi niya mahahalata kaya naman sumimple lang ako sa pagkuha ng litrato sa kanya. Nang matapos ko siyang kunan ay inayos ko muna ito bago ipost.

Caption: The king’s birthday is approaching! #Boss #Hubby #OneFourThree

Napatawa ako ng mahina ng makita kong napost na ang kanyang picture sa IG. Nakakatuwa ang itsura niya, nakayuko at concentrated masyado. Lalaking lalaki ang dating niya, iyong tipong sa tingin mo palang sa picture ay masasabi mong seryoso siya sa buhay pero hindi. Ang gwapo’t matipuno talaga ng asawa ko., sambit ko sa akin isipan.

Her Paid Husband ★ (On-Going - Slow Update)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!