Eight ★ - Good Morning, Wife

11.8K 172 6

Nagkasakit ako nung Saturday hanggang Monday. Tuesday dapat papasok na ako pero hindi ako pinayagan ng doktor, rest day ko naman ng Wednesday at maghapon akong gumawa ng update. Ngayong Thursday, nasa school na ako. Hindi ako late! Tapos pagka-upong upo ko sa upuan ko, sinabi ng classmates ko na walang pasok. Kamusta naman diba? 

Enjoooooooooooooooooy ~ 

Ang bagong goal ko ngayon kada update ay 2,000 words pataas per chapter. HAHAHAHA At mas okay iyon kasi nasusunod ko siya infairness! :D 

Hello po sa professor ko sa Zoology Lab na nagbabasa ng mga gawa ko. HAHAHAHAHA ~~

MAM! Sinabi mo daw po iyong mga term ko last tuesday sa class? T____T Nakakahiya mam. HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------

Chapter Eight

Ina’s POV

Kinabukasan ay maaga akong nagising kahit na late ako nagtulog kagabi. Agad akong nag-asikaso ng umagahan naming dalawa ni Asher. Pagkatapos kong magluto ay inasikaso ko naman iyong pagpasok ko sa trabaho. Buti nalang at medyo malapit lang ito sa lugar kung saan kami lumipat ni Asher.

“Asher” tinapik ko siya ng mahina. Ginising ko siya para sabay na kaming kumain dahil hindi siya kumain ng hapunan kagabi.

Tanging mahinang ungol lang ang sinagot niya sa akin kaya naman medyo niyugyog ko na siya para magising. Ito ang hirap sa lalaking ito, kapag masyado siyang pagod ay sobrang hirap niya ring gisingin. Minsan nga ay sumagi na sa isip kong tapunan siya ng tubig para lang magising pero naisip ko rin naman kawawa siya.

“Gumising ka na diyan, Asher” sabi ko tapos ay medyo nilakas iyong pagyugyog ko sa katawan niya. Pero wala paring epekto, tulog mantika kasi ang isang ito kaya naman mahirap gisingin kahit ata magkasunog ay tulog parin ito.

“Hoy! Kapag hindi ka gumising diyan, bubuhusan talaga kita ng tubig!” nagugutom na ako at late na rin ako sa shoppe. Kaya ko siya ginigising ay ilang araw na kaming hindi nagkakasabay kumain at namimiss ko na rin iyon. Pakiramdam ko kasi ay hindi buo iyong araw ko kapag hindi kami nagkakasabay kumain.

“Aba’t talagang sinusubukan mo ‘ko Asher Gabrielle Alvarez!” akmang tatayo na ako mula sa pagkakaupo ko sa kama ng bigla niya akong hinila na siyang naging dahilan para bumagsak ako sa ibabaw niya.

Her Paid Husband ★ (On-Going - Slow Update)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!