Thirteen ★ - Christmas Celebration

10.7K 136 6

Asahan niyo na pong kapag nagsimula ang Sembreak namin, next next week. Palagi pong may update kapag hindi po ako tinamaan ng writer's block. :) 

ENJOOOOOOOOOOOOOOOY!! 

 HAPPY BIRTHDAAAAAAAAAAAAAAY MS. B <3 <3 <3 I Loves You, alam mo yan <3

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------

Chapter Thirteen

“Anong oras ba raw darating sila Jem?” tanong ko kay Asher na kasalukuyang abala sa pag-lilinis ng bahay namin para sa Christmas celebration namin kasama sila Martha, Jem at Kirk. Nitong mga nakarang araw ay masyadong busy ang katawan ko sa coffee shoppe, samantalang sa mga thesis writing naman si Asher. Laking tuwa ko dahil malapit na namang magpalit ng taon, ilang buwan nalang ay graduate na si Asher at makakauwi na kami ng Pilipinas. Medyo excited na akong makita ulit ang mga kaibigan ko.

“Hindi ako sigurado, pero baka mamaya pa ang mga iyon” sagot nito sa akin. Kasalukuyan kasi akong abala sa pagluluto ng mga pagkain para mamaya. Halos lahat ng niluluto ko ay mga pagkaing pinoy dahil alam kong pare-pareho naming namimiss ang bansang kahit papaano ay pinanggalingan naming lahat. Habang nagluluto ako ng pagkain ay iba ang kasiyahang nararamdaman ko, masaya ako dahil kahit papaano ay nararamdaman ko ang diwa ng pasko.

Halos hindi ko na mabilang kung ilang taon na ba akong nagsasaya sa iba’t – ibang bar tuwing disperas ng pasko. Kung hindi ako nagkakamali ay nagsimula akong magdiwang ng disperas ng pasko noong parehong mamatay ang mga magulang ko. Kung wala naman ako sa bar ay nasa loob lang ako ng inuupahan kong maliit na bahay at doon ay nagdidiwang ako ng pasko sa pamamagitan ng panonood ng mga horror at thriller movies. Ang saya lang hindi ba?

Kaya naman ngayon ay talagang masayang masaya ako, after my parents died ito nalang ulit ata ang pagkakataon na magdidiwang ako ng pasko kasama ang mga taong hindi ko naman kamag-anak o kaano-ano. Habang iniintay kong kumulo ang sauce ng spaghetti na niluluto ko ay napalingon ako sa direksyon ni Asher. Abala na ito ngayon sa paglalagay ng mga bagong sapin sa mga throwpillows. Napangiti naman ako dahil doon, kay gwapo gwapong lalaki pero marunong ng gawaing bahay. Para kasi sa akin, mas nakakadagdag iyon ng points upanng mahulog sayo ang loob ng isang babae. Iyong tipong marunong kang gumawa ng gawaing bahay ay malaki ang impact para sa babaeng katulad ko.

“Ang pangit mo” sabi ko kay Asher ng ilagay niya ang isang piraso ng pulang bulaklak sa gilid ng tainga niya. Napatawa naman ito at nagbakla baklan na naging dahilan para mapatawa ako. Bagay sa kanya pero mukha siyang maton na bakla. Asher has a broad shoulder, may muscles din ang braso niya, at hindi na ako magtataka kung meron siyang six-packed abs. Tinaggal niya na ang bulaklak kaya naman binalik ko na ulit ang atensyon ko sa pagluluto. Nanahimik ang buong bahay ng ilang saglit pagkatapos ay noong napatingin ako kay Asher ay napatawa ako ng sobra.

Nakasuot kasi siya ng isang kumot na ginawa niyang summer dress, iyong parang pagbeach na daster. Tapos ay may nakalagay na summer hat sa ulo niya, meron rin siyang suot na wig na hindi ko alam kung saan niya nakuha. Tapos ay nagpose siya na tila isang model ng magazine. Mas lalo akong napatawa dahil mukhang sira ulo ang lalaking ito. Ang lakas ng tama ng lalaking ito at napapatawa niya ako dahil doon.

Her Paid Husband ★ (On-Going - Slow Update)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!