Seven ★ - Hindi pa ako handang masaktan ulit

11.4K 167 3
                                    

Hi ~ gusto ko lang magthank you sa mga nag-basa ng 'My Wife's Regret' hanggang doon lang po talaga iyon. Walang epilogue or special chapter kasi magffocus na ako sa kwentong ito at doon sa 'A Mistress' Side' Kaya sana ay maintindihan niyo po <3 

Nawa'y masuportahan niyo po ang istoryang ito hanggang sa maisipan ko siyang tapusin <3 

Maraming salamat sa pagbabasa!! 

Enjoooooy <3 

------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Chapter Seven

Ina’s POV

“Kamusta?” tanong ko sa kanya pagkapasok niya sa loob ng bahay. Kakauwi lang kasi nito galing sa school at alam kong pagod na naman siya tulad nitong mga nakaraang araw. Ilang buwan na rin pala ang nakakalipas pero parang kailan lang ang mga nangyayari sa amin ni Asher.

“Ayos lang” sagot nito pagkatapos ay agad siyang dumiretso sa kwarto para magpalit lang damit. Kakain na kasi kami ng hapunan, palagi na siyang nakakauwi ng gabi kaya naman palagi rin siyang puyat.

Minsan nga kapag aalis ako ng bahay para maghanap ng pansamantalang trabaho ay madadtnan ko pa siyang natutulog samantalang pagkatapos ng dalawang oras ay papasok na naman siya sa school.

Matibay ang katawan ni Asher, hindi siya basta basta nagkakasakit kahit na palagi siyang puyat. Nakakapagtaka nga rin kasi hindi naman siya nagvivitamins pero sa buong pagsasama namin ay hindi pa siya nagkakasakit. Marahil ay malakas talaga iyong resistensya ng katawan niya.

“Asher?” tawag ko sa kanya dahil ang tagal niyang lumabas ng kwarto.

Nang hindi siya sumagot ay pumasok na ako sa kwarto at doon nakita ko na naman siyang nakadapa sa kama habang mahimbing na natutulog. Kawawa naman ang asawa ko. Sambit ko sa isipan ko. Dahil halatang pagod na pagoda ng asawa ko ay inaayos ko nalang siya sa kama.

Tinanggal ko iyong sapatos niya at binuksan ang unahang butones ng suot niyang polo. Pagkatapos ay nilagyan ko rin siya ng blanket at saka ako lumabas para kumain mag-isa. Wala namang problema kung kumain ako ng mag-isa dahil ilang gabi na rin siyang hindi nakakasabay sa pagkain ng hapunan dahil nga sa palaging ganun ang nangyayari sa kanya pagkagaling niya sa school.

Her Paid Husband ★ (On-Going - Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon