Twenty - One ★ - Family

6.8K 136 13

Medyo nadelay, dapat kagabi pa ito kaso ayaw makisama ng internet connection :) 

Short - Bitin UD. Thankyoooooou sa mga nagbabasa! :))))

@GoddessRence  - Thank you sa paggawa ng new cover ng kwento ni Asher at Ina. I really appreciate it! :) <3 

----------------------------------------------------------------------------------------------

Chapter Twenty-One

“Sigurado ka bang gusto nila ako mameet?” tanong ko sa kanya. Halos sampung minuto na  ‘ata kaming nasal abas ng bahay nila pero hindi parin kami lumalabas ng sasakyan. Sa totoo lang ay hindi ko alam kung papaano ko haharapin ang kanyang magulang. Hindi na ako nagtaka kung bakit malaki ang bahay nila dahil tulad nga ng sabi ko noon pa man, halatang mayaman ang napangasawa ko.

“Yes. One hundred one percent sure, Wifey” paninigurado pa ulit nito. Kanina ko pa siya paulit ulit na tinatanong tungkol sa mangyayari ngayong gabi. Naramdaman kong hinawakan niya ang nalalamig kong mga kamay at saka tinapat sa mga labi niya sabay halik. Dahil sa ginawa niya ay kahit papaano ay narelax ako ng konti.

“Let’s go, gusto ko ng makita ang nanay at tatay” sabi nito. Tumango nalang ako at sa panghuling beses ay tumingin ako sa salamin upang siguraduhin ‘ayos lang ang mukha ko.

“Maganda ka at hindi magbabago ‘yon”

“Sobrang bolero mo talaga, kanina pa” sabi ko at natawa nalang ito.

Agad kaming bumaba sa sasakyan at agad rin kaming pinagbuksan ng gate ni kuya manong guard. Ngumiti pa ito ng pasimple sa asawa kong naka-all-smile. Feeling ko ay batang ‘Asher’ ang kasama ko dahil ngiting ngiti ito. Halatang halata rin sa mata nito ang kasiyahan. Hindi ko rin maitago ang kasiyahan ko dahil kahit kinakabahan ako sa mangyayari ngayong gabi ay ramdam ko ang pagmamahal niya. Ramdam kong hindi niya ako hahayaang mapahiya kahit na alam kong napaka-imposible na mangyari non.

“Relax” sabi nito. Tumango at ngumiti nalang ako sa kanya. Maganda ang labas ng bahay nila Asher, simple ngunit elegante at pangmayaman talaga. Akala ko ay sa labas lang ako matutuwa at maaaliw, nang makapasok kami sa loob ay mas lalong maganda. Ang agad mong mapapansiin ay iyong napaka-eleganteng chandelier na nakalagay sa itaas ng bahay nila. Buhay na buhay ang loob ng bahay nila, merong mga mamahaling paintings at mga iba’t-iba pang dekorasyon na parang kapag nabasag ay hindi mo mababayaran sa sobrang mahal.

Paupo na sana ako sa salas kung saan ako dinala ni Asher ng makarinig ako ng matinis na boses na tumawag sa kanya.

Her Paid Husband ★ (On-Going - Slow Update)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!