Twenty - Four ★ - I love you more

7.5K 198 31

AFTER 12345678910 YEAAAAAAAAAAAARS! MAY UPDATE NA ULIT AKO!! HORRRRAAAAAYYY! AYUN, NAGING BUSY PO KASI AKO SA THESIS NAMIN., NGAYONG SUMMER NAMAN PO AY MAGGING BUSY AKO SA OJT NAMIN, NAWA'Y MASUPORTAHAN NIYO PARIN AKO <3 

Short and Lame update. Sorry pows.

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Chapter Twenty-Four

Maaga akong nagising sa kadahilanang ‘eto na yung araw na pinaka-iintay ko, ‘yong perfect time na inaabangan ko simula pa noong narealize ko ang bagay na ‘yon. Kaarawan na ni Asher. Halos hindi ko na nakigisingan si Asher sa tabi ko ng magising ako. Pagpunta ko sa kusina ay nakakita ako ng sticky note sa may kitchen table.

“Good morning Wifey, have a great day ahead! Maaga akong pumasok para makapagdinner tayo mamaya kasama sila nanay.

P.S. iloveyou – walang space kasi bawal sumingit sa pag-ibig ko para sa’yo. – Asher”

Nang mabasa ko ang sticky note na iniwan niya ay napangiti agad ako. Kinuha ko ang cellphone ko at nagsimulang tumawag sa mga kaibigan ko at kaibigan niya, pati na rin sa family niya. Mga alas-diyes na ng umaga dumating ang mga kaibigan ko dala dala ang mga pinag-grocery ko sa kanila. Samantalang habang nagluluto kami ng ihahanda mamaya ay dumating naman ‘yong mga kaibigan niya na may dala dalang mga tables and chairs, pati na tents na maaaring pagsilungan ng mga lulutuing pagkain.

Simpleng salo-salo lamang ang inihanda ko para sa kanyang kaarawan, ang gusto niya lang naman ay makasama ang pamilya niya pati na ang ilang mga kaibigan namin kaya naman iyon ang gagawin ko. Sana lang ay matuwa at maapreciate niya ang effort ko pati na ng mga nagmamahal sa kanya. Pagkatapos iset-up nila Jem at Kirk iyong mga table and chairs ay nagpunta naman sila malapit na party needs store upang bumili ng mga LED Balloon, samantalang abala naman ang mga kaibigan kong sila Dana, Kristine, at Macy sa pag-piprint ng mga pictures na meron ako sa cellphone ko.

Gusto ko kasing nakasabit iyong mga litrato namin sa dulo ng tali ng balloon. Iyong tipong makikita niya yung pictures namin, tapos doon sa tatlong malalaking balloons ay nakalagay ang surprise ko para sa kanya. Hindi ko pa nasusubukang gumawa ng ganitong klaseng ka-cornyhan pero sana ay maging maganda parin ang kalalabasan. Nahihiya nga ako sa gagawin kong surprise sa kanya, kasi pakiramdam ko hindi ko matatapatan ‘yong surprise niya noon sa akin. Noong hinarana niya ako sa Disneyland, napagkadaming tao doon pero hindi siya nahiya habang ginagawa ‘yon.

“Sigurado ka ba sa gagawin mo?” alanganing tanongsa akin ni Macy. Ngumiti lamang ako at tumango. Siguradong sigurado na ako kahit ano pang mangyari. Sabi nila, wala namang masama kung susubukan mo basta handa kang tanggapin ang maaaring kalabasan ng iyog gagawin. And yes, bago pa man ako sa humantong sa ganitong desisyon ay ilang beses ko ng naisip ang mga pwedeng mangyari pagkatapos nito.

Her Paid Husband ★ (On-Going - Slow Update)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!