Ten ★ - On This Day

17.1K 163 21

Hindi pa sana ako mag-uupdate dahil kailangan kong magfocus ngayong Finals sa mga subjects ko kaso mahal na mahal ko ang pagsusulat e. 

Excited din ako sa Japan Debut ng GOT7 ^^ Any GOT7 fan sa mga readers ng kwento ko? :D

Enjooooooooooooooooooooy ~

P.S. Tinanong ko po ang LIB kung kailan possible lumabas ang libro ni Lucas at Gabbie, ang sabi po sila ay later this year. So yeah, intay intay nalang po tayong lahat kung kailan siya lalabas. Abangan niyo po palagi sa official facebook account ng LIB :) Maraming salamat! :) 

------------------------------------------------------------------------------------------------------

Chapter Ten

“Asher! Bilisan mo na!” sigaw ko sa asawa kong hanggang ngayon ay nasa itaas parin at may hinahanap sa kwarto

“5 minutes!” sigaw nito mula sa kwarto. Naiimagine ko siyang tinatapon na naman ang halos lahat ng gamit sa loob noon. Paniguradong nagkalat na naman ang mga papel, damit, at kung anu-ano pa sa loob non.

“Kanina ka pa, 5 minutes ng 5 minutes! Masasapok na kita!” sabi ko sa kanya

“Malapit ko na talagang mahanap!” sabi nito. Napakamot nalang ako ng ulo dahil mula kanina ay paulit-ulit ang sinasabi niya. Kundi ‘5 minutes’ ay ‘Malapit na talagang mahanap’ ang sasabihin niya.

“Ewan ko sa’yong gunggong ka! Ke’haba haba ng oras mo kagabi hindi mo hinanap iyang pesteng ‘yan! Malalate na tayo sa flight natin!” litanya ko rito.

“Kapag ako nainis sa’yong hinayupak ka, iitatapon kita papuntang Los Angeles!” sigaw ko pa rito pagkatapos ay naupo sa couch. Ngayon ang flight namin papuntang L.A, para magbakasyon. Kahapon lang kasi nagstart iyong semestral break nila at mabuti nalang ay wala masyadong research paper na ibinigay iyong professor nila.

Natapos iyong limang minuto ng hindi parin siya bumababa kaya naman mas lalo akong nainis.

Her Paid Husband ★ (On-Going - Slow Update)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!