Six ★ - Sana

10.4K 159 11

Shooooooooooooort Updaaaaaaaaaaate :)) 

Hanggang Chapter Six muna ang huling update ko rito. Dahil gusto ko na munang tapusin si 'My Wife's Regret' :) 

Sana po maintindihan niyo :) Anyway, sali kayo sa facebook group :) Click niyo iyong external link. Naghahanap rin po ako ng pwedeng maging admin ng group :)

----------------------------------------------------------------------------------------------

Chapter Six

                Asher’s POV

                Finally, after two days ay nakauwi na rin ako dito sa bahay namin. Namiss ko ng sobra iyong asawa ko, nahirapan akong matulog noong una pero inilagay ko sa isip kong kapag natapos namin agad iyon ay makikita at makakasama ko na ulit siya. Pasado alas-dos na ng madaling araw ng ako ay makarating sa bahay namin at nagtataka ako kung bakit hindi ko makita si Ina.

                Pagkalapag ko ng gamit ko ay umakyat ako sa itaas para tingnan siya sa kwarto namin. Oo, sa iisang kwarto lang kami natutulog at wala namang problema doon dahil mag-asawa na kami. Nang hindi ko siya makita roon ay napagpasyahan kong pumunta sa study room. Ang alam ko kasi ay doon siya madalas tumambay dahil gusto niya ring matuto.

                Agad akong nakahinga ng maluwag ng makita ko siyang naka-upo roon sa upuan sa tapat ng study table ko. Nang makita ko siya ay nilapitan ko siya agad at doon ko napansin iyong natuyong bakas ng luha. May kung anong sumakit sa puso ko ng makita ko siyang nakatulugan ang pag-iyak.

                ‘Hindi ko alam kung sino at ano ang dahilan ng pagluha mo, pero sana malaman at maramdaman mong andito lang ako palagi. Hindi ko man sigurado ang nararamdaman ko ngayon ay iisa lang ang sigurado ako, iyon ay sa sobrang halaga mo sa akin. Pasensya ka na kung hindi ko alam itong nararamdaman ko, wala pa kasi akong nagiging girlfriend.

                Hindi ko rin namang masasabing girlfriend kita dahil diretso sa pagiging mag-asawa agad iyong nangyari sa atin. Alam ko naman na darating iyong panahon na masasabi ko rin sayo itong talagang nararamdaman ko. Alam ko rin na imposibleng mag-iba rin ang tingin mo sa akin dahil may kontrata kang pinirmahan.

                ‘Sana dumating iyong panahon na hindi na kita makikitang umiyak dahil sa tuwing iiyak ka ay double iyong nararamdaman ko. Ganoon ka kahalaga sa akin Ina, gusto ko palagi kang masaya kahit na ginagamit mo lang ako’ sambit ko sa isip ko habang tinititigan ko iyong maamo niyang mukha. She’s crying again.

Her Paid Husband ★ (On-Going - Slow Update)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!