Sharing 13

302 3 0
                                    

Humingi kayo at kayo ay bibigyan,  humanap kayo at kayo ay makakasumpong,  kumatok kayo at ang pinto ay bubuksan para sa inyo. Sapagkat tumatanggap ang bawat humihingi,  nakakasumpong ang bawat humahanap at binubuksan ang pinto sa bawat kumakatok. 

LUCAS  11:9-10

Kailan tayo iniwan ng Lord?  Kailan tayo humingi sa Kanya na hindi tayo binigyan?  Kailan Nya tayo pinabayaan?  Kahit kailan hindi. Hindi lang natin napapansin dahil hindi natin Sya naalala. Naalala lang natin Sya kapag malungkot tayo. Hindi tayo maalaagaan ng Lord kung hindi natin Sya binibigyan ng chance. Nandyan lang ang Lord palagi,  naghihintay ng pagbabalik natin. Hanapin natin sa puso natin ang Lord. Maglaan tayo ng oras para sa Kanya.

---*

"Ang hindi panig sa akin ay laban sa akin,  at nagkakalat ang hindi tumutulong sa akin mag ipon."

LUKE  11:23

Palagi natin sinasabi na mahal natin ang Lord.  Pero paano ba natin masasabi na panig tayo sa Lord?  Ayon sa Bibliya,  kapag sinusunod natin ang mga utos at salita ng Lord.  Dapat kilos,  pananalita at pag iisip nakikita satin ang pangalan ng Lord. Kung mahal natin Sya bakit hindi natin Sya kinakausap palagi?  Bakit gumagawa tayo ng mga bagay na taliwas sa sinabi Nya. Umaattend tayo ng mga worship pero hindi tayo nagbabasa ng Bible.  Hindi tayo nagdedevotion o nagninilay nilay sa mga salita Nya. PATIENCE IS THE BEST FORM OF WORSHIP. Walang silbi ang linggo linggong pagwoworship o araw araw na pagdedevotion kung wala naman APPLICATION. Walang silbi ang mga memorized nating Bible Verse kung hindi naman natin sinusunod.  Be the doer of the word. Mangalap tayo ng mga souls na madadala sa Lord.  Hindi yung nangiimpluwensya pa tayo ng iba para gumawa ng mali. 

---*

Genuine   
                                                                                                                                                        Ang nagpaparami ng mga kaibigan ay sa kaniyang sariling kapahamakan: nguni't may kaibigan na mahigit kay sa isang kapatid.

Kawikaan 18:24

Friends quality over quantity.  Hindi mo kailangan maging kaibigan ang lahat ng tao sa paligid mo lalo na kung hindi naman tunay na nagpapahalaga sayo.  Ang isa o dalawa na mga tunay na kaibigan ay sapat na.  Alagaan mo yung mga taong hindi ka iniiwan kahit nakita lahat ng imperfections mo, hindi ka iju'judge, yung hindi ka sinusukuan kahit hindi mo na sila pinapansin.  Yung may genuine care sayo. Yung hindi natatakot sabihan ka kapag may mali kang ginagawa.  Sila yung dapat mong tine'treasure. They're more than a friend but rather a family. 

--*

God is Unlimited

Nang gabing dinalaw ng Anghel si Maria upang sabihin ang Magandang Balita.
Sa gayon ay sinabi ni Maria, "Paano bang mangyayari ito,  nakikitang hindi pa ako nakakakilala ng isang lalaki?" Sumagot ang Anghel, Ang Esperitong Banal ang bababa sayo at ang Kapangyarihan ng Kataas taasan ang lililim sayo: samakatuwid din ang Banal na bagay ay masisilang sa iyo at tatawaging Anak ng Diyos. At masdan, ang iyong pinsang si Elisabeth ay nagluwal ng isang sanggol kahit sya ay baog. SAPAGKAT ANG DIYOS AY WALANG ANUMANG HINDI MAPANGYAYARI. 

LUKE 1:34-37

Magdududa pa rin ba tayo? Sa kabila ng lahat ng ginawa ng Lord? He is unlimited.  Wala syang hindi kayang gawin. Ay higit sa kahit ano pa mang nararamdaman mo ngayon. Ang Lord na nangako at nagtupad ng pangako kay Maria ay nag iisa pading Diyos na nangako at tutupad ng pangako sayo ngayon. Sya ay hindi nagbabago. Kahapon, ngayon at bukas.
Gunitain natin ang tunay na diwa ng Pasko, other than 13th month pays,  bonuses, gifts, vacation, parties, gatherings here and there. Ang tunay na diwa ng pasko ay ang Lord. At ang katuparan ng Kanyang pangako. 

God's Word and LectureWhere stories live. Discover now