Lecture 6

2.7K 49 1
                                        

Sunday Lecture | Title: Nagpapaturo

Main Verse: Proverbs 12:15
"The way of a fool seems right to him, but a wise man listens to advice."

INTRODUCTION

Tayong mga Kristiyano ay may misyon sa mundong ito—ang lumago sa pananampalataya, mamuhay ayon sa Salita ng Diyos, at maging liwanag sa iba. Ngunit ang paglago ay hindi basta-basta nangyayari. Kailangan natin matutong magpaturo.

Sabi nga sa isang kasabihan:
"The room for improvement is the biggest room in the world."

Walang sinuman ang marunong agad. Kahit gaano ka na katagal sa pananampalataya, meron at meron ka pa ring matututunan. Bilang anak ng Diyos, we never stop growing. We never stop learning. Kaya mahalagang magkaroon tayo ng puso na teachable—puso na marunong tumanggap ng aral, ng gabay, at ng correction.

What are the Marks of a Teachable Person?

1. A Teachable Person Asks Questions
Hindi natatakot magtanong. Hindi nahihiyang humingi ng tulong.

Proverbs 18:15
"Ang matalinong tao ay nagdaragdag ng kaalaman; ang may unawa'y namumulot pa ng karunungan."

* Ang taong marunong magpaturo ay taong may humility.
* Hindi siya nagmamarunong. Hindi siya natatakot mahigitan ng iba—kahit bata pa sa kanya.
* Ang taong hindi nagtatanong ay nawawalan ng opportunity na matuto.
* Kapag nagtatanong ka, binubuo mo ang sarili mong katalinuhan.

Reflection:
Tanungin natin ang sarili natin: Kailan ako huling nagtanong para matuto? O baka palagi ko na lang sinasabi na, "Alam ko na 'yan"?

2. A Teachable Person Listens to Instruction and Correction

Proverbs 1:8
"Anak, dinggin mo ang aral ng iyong ama, at huwag ipagwalang bahala ang turo ng iyong ina."

Proverbs 19:20
"Dinggin mo ang payo at tumanggap ng turo, upang ikaw ay maging marunong sa hinaharap."

* Ang taong teachable ay hindi defensive.
* Hindi siya agad nagrereact kapag kinokorek.
* Marunong siyang makinig, lalo na kung ito'y para sa kanyang ikabubuti.
* Alam niyang hindi lahat ng correction ay paninira—minsan ito ang paraan ng Diyos para siya ay maitama at mapabuti.

Application:
Kapag pinagsabihan tayo, ano ang una nating reaction?
Tinatanggap ba natin ito, o agad tayong nagtatanggol ng sarili natin?

3. A Teachable Person Looks Up to Good Examples and Better Ways

Titus 2:7
"Sa lahat ng paraan, magpakita ka ng magandang halimbawa. Maging tapat sa iyong pagtuturo at huwag itong gawing biro."

* Ang teachable na tao ay hindi naiinggit, kundi humahanga at natututo.
* Nakikita niya ang magagandang halimbawa ng iba at sinasabi:
* "Ang galing ng diskarte niya—pwede ko ring subukan 'yan."
* "Ang ganda ng ugali niya—gusto ko ring maging ganyan."

Challenge:
Tayo ba ay bukas sa pagbabago kung may mas maganda o mas epektibong paraan?
O baka clingy tayo sa "Nakasanayan ko na"?

4. A Teachable Person Admits Errors and Shortcomings

* Hindi nahihiyang magsabing:
* "Sorry, nagkamali ako."
* "Tama ka. Mali ako dun."
* Hindi nakababawas ng dignidad ang pag-amin ng mali—sa katunayan, ito ay tanda ng maturity.
* Ang taong marunong tumanggap ng pagkakamali ay taong tunay na ginagamit ng Diyos.

Remember:
It takes a small person to argue, but a great person to admit, "I was wrong."

Why Be Teachable?

Proverbs 12:15
"The way of a fool seems right to him, but a wise man listens to advice."

* Bilang Kristiyano, tinawag tayo hindi lang para maniwala, kundi para magbago at lumago.
* Ang taong teachable ay willing sa changes.
* Ang taong teachable ay bukas sa improvements.
* Ang taong teachable ay ginagamit ng Diyos, kasi siya ay madaling hubugin.

Conclusion:
Ang pagiging Kristiyano ay hindi static, ito ay isang journey of growth.
Ang sikreto ng paglago? MAGPATURO.
Hindi ka magiging mahina kung marunong kang magtanong.
Hindi ka bababa kung marunong kang tumanggap ng correction.
Hindi ka matatalo kung marunong kang umamin ng pagkukulang.

Reflection Questions:
1. Ako ba ay teachable o palaging gusto ko ako ang tama?
2. Kailan ako huling nakinig sa payo at sineryoso ito?
3. May mga area ba sa buhay ko na kailangan ko pang ipasuko sa Panginoon para ako'y matuto?

Prayer:
Panginoon, turuan N'yo po akong maging teachable. Alisin N'yo ang pride sa puso ko, at palitan ito ng pusong mapagpakumbaba—pusong handang tumanggap ng turo, ng correction, at ng pagbabago. Nais kong lumago sa Inyo. Gamitin N'yo po ako para maging magandang halimbawa rin sa iba. Sa pangalan ni Hesus, Amen.

God's Word and LectureWhere stories live. Discover now