Lecture 34

1.2K 22 1
                                    

A/N: Sorry for late update. This update supposed to be on the 1st sunday of august pero hindi ko na-upload kasi I have some personal matters. Well, i hope may makuha kayong aral. Godbless and To God be the glory!

Sunday Lecture
Title: God's Reward

Matthew 5:8

"Mapalad ang mga may malinis na puso, sapagkat makikita nila ang Diyos."

• Mas maganda pala ang tagalog ng August. Siksik, liglig, at umaapaw. August - Agos to. Aagos ang pagpapala.

Ageo 2:8

"The silver is mine and the gold is mine, declares the Lord Almighty."

1 Chronicles 29:14

"Ngunit sino ako at ang bayang ito? Buong puso kaming nagkakaloob pagkat ang lahat ng ito ay galing sa iyo."

• Wag kang magmamagaling, talino mo hindi iyo. Lahat ng meron sayo, hindi iyo. Pahiram lang yan ng Diyos.

1 Chronicles 29:16

"O Yahweh na aming Diyos, ang lahat ng kayamanang ito na matipon namin para ipagpagawa ng iyong tahanan ay sa iyo nagbuhat."

Godly christian yan yung excited mag-worship at hindi nahihiya.

Four reasons why we need Lord:

1. God is the only one that can give us salvation and protection.

• Ang pwede lang maglinis ng ating kasalanan ay ang dugo ng Diyos.

Acts 4:12

"Kay Jesu-Cristo lamang matatagpuan ang kaligtasan, sapagkat sa sitng ng langit ang kanyang pangalan lamabg ang ibibigay ng Diyos sa ikaliligtas ng tao."

Isaiah 42:6

"Akong si Yahweh, tumawag sa iyo, binigyan kita ng kapangyarihan. Upang pairalin ang katarungan sa daigdig. Sa pamamagitan mo ay gagawa ako ng pakikipagtipan sa lahat ng tao. At magdadala ng liwanag sa lahat ng bansa."

Ephesians 1:13

"Kayo ma'y naging bayan ng Diyos nang kayo'y manalig sa kanya matapos ninyong marinig ang salita ng katotohanan-ang Mabuting Balita na nagdudulot ng kaligtasan. Kaya't ipinagkaloob sa inyo ang Espiritu Santong ipinangako ng Diyos bilang tatak ng pagkahirang sa inyo."

2. We need to prioritize spiritual things

1 Corinthians 2:15

"Nauunawaan ng taong nagtataglay ng Espiritu ang kahalagahan ng bawat bagay, ngunit walang nakauunawa sa kanya."

• Kaya yung mga tao dito, unahin mo yung mga bagay na makalangit. Ang sunday ay kay Lord kailangan ikaw ay may Christ to heard sa iyong puso.

• Sobrang yapos ng mga tao sa mundo pero sabi sa bible, babalik din iyan sa wala.

3. Only God can save our future

Isaiah 43:19

"Narito, at masdan, ang nagawa ko'y isang bagong bagay na hanggang sa ngayo'y di mo namamasdan. Ako'y magbubukas ng isang landasin sa gitna ng ilang, maging and disyerto at patutubigan."

4. God is the only one that can satisfy our soul

Psalm 90:14

"Kung umaga'y ipadama yaong wagas mong pag-ibig, at sa buong buhay nami'y may galak ang aming awit."

Psalm 91:16

"Aking bubusugin siya ng mahabang buhay, at ipakikita ko sa kaniya ang aking pagliligtas."

Conclusion

Ang pag eeenjoy sa blessing ng Diyos is a way of worship. Kasi habang nag eenjoy tayo, sinasabi nating "Lord thank you for giving me this.. Thank you for making me enjoy.. You are great and wonderful.

God's Word and LectureWhere stories live. Discover now