Sharing 6

364 5 0
                                    

Hindi ba ninyo alam na ang mga makasalanan ay walang bahagi sa kaharian ng Diyos? Huwag nyong dayain ang inyong mga sarili. Ang mga NAKIKIAPID, SUMASAMBA SA DIYOS DIYOSAN, NANGANGALUNYA, NAKIKIAPID SA KAPWA BABAE O KAPWA LALAKI, ang mga MAGNANAKAW, MASASAKIM. MGA NAGLALASING, MAPANLAIT O NAGDARAYA ---- ang ganyang mga tao ay walang bahagi sa kaharian ng Diyos. Ganyan ang ilan sa inyo noon. Subali't kayo ay nilinis na sa inyong mga kasalanan at itinalaga na kayo sa Diyos. Kayo ay pinawalang sala sa pangalan ng Panginoong Jesu Cristo at ng Espiritu ng Diyos.

1 CORINTHIANS 6:9-11

Hindi ibig sabihin na ginagawa ng nakararami ay tama na. Nagdusa at namatay si Jesus dahil sa mga kasalanan na iyan noong una. Tinubos nya tayo sa lahat ng iyan. Pero patuloy pa ring ginagawa. Para rin natin ipinapako si Jesus sa krus ng paulit ulit. Huwag sana natin sayangin ang buhay na inialay ng Lord para sa atin. Kung pakiramdam mo wala ka na halaga. Para sa Lord worth it ka! Inialay nya ang buhay nya para sayo, satin. Kaya ialay din ang atin sa Kanya. Kung tutuusin Kanya naman talaga ito.

---*

Noong apat na pung araw na nag ayuno si Jesus sa ilang at gutom na gutom Sya ay tinukso Sya ng Dyablo. "Kung talagang Anak ka ng Diyos magagawa mong tinapay ang mga batong ito." Sumagot si Jesus, "Nasusulat,  'Hindi lamang sa tinapay nabubuhay ang isang tao'.

LUKE 4:1-3

Para mabusog tayo kailangan natin ng pagkain. Kapag nauuhaw tayo kailangan natin ng tubig. Yan ang mga pisikal na pangangailangan ng tao na mag sasatisfy sa panlabas na katawan. Ngunit hindi lang pisikal na katawan ang dapat pinapakain. Pati na din ang kaluluwa. Paano? Kapag nanghihina at napapagod ka. Parang stressed at hindi makita ang kasiyahan ang ibig sabihin ay gutom at uhaw spiritually.  Anong tinapay ng kaluluwa? Prayers, words of God, worship, devotion at ang Lord mismo. Ito ang dahilan kung bakit kahit may pagkain ka naman, di ka naman gutom. Maayos ang buhay mo pero hindi ka masaya. Yun ay dahil kakaunti ang lugar ng Lord sa buhay mo. Kahit kapos na kapos tayo sa pisikal at hirap na hirap sa buhay samahan mo lang tyaga basta may Lord tayo okay na yon. Ang Lord ay sapat na at higit higit paaa. 

---*

Hold on

The pain that you've been feeling cannot compare to the joy that's coming. 

Romans 8:18

Ang lahat ng paghihirap na pinagdadaanan natin ngayon ay may dahilan.  Walang nananalo sa isang paligsahan na hindi muna nagtyaga at nagpagal.  Maraming pag hihirap na dadating.  Pero wag sana natin bitawan ang pangako ng Lord na may nakalaan para sa atin.  May nakahanda ang Lord para sa ating lahat.  Embrace hardships.  And be excited kapag may pinagdadaanan tayo dahil wag kalang sumuko at magpatuloy kalang kakamtan natin ang pangako ng Lord. Huwag sarilinin ang laban, isama mo ang Lord. God is in control.

--*

"Guro, ano ba ang aking gagawin upang magmana ng walang hanggang buhay?" Sinabi nya sa kanya, Ano ba ang nasusulat sa batas? Ano ba ang nababasa mo? At sya sa pagsagot ay nagsasabing, "Iyong ibigin ang Panginoon mong Diyos ng iyong buong puso, at iyong buong kaluluwa, at ng iyong buong kalakasan, at ng iyong buong kaisipan, at ang iyong kapwa ng gaya ng iyong sarili.

LUKE 10:25-27

We love because the Lord first loved us. Kung nagagawa natin paglaanan ng madaming oras, ng luha, ng effort at pagmamahal ang mga taong sinasaktan tayo bakit hindi natin yun magawa sa isang lubos lubos ang pagmamahal satin na ibinigay ang Kanyang Anak at nagpakasakit hanggang mamatay sa krus para lang sa buhay natin? Para maligtas tayo at magtamasa ng lahat ng karangyaan sa mundo? Si Lord muna. Sa lahat ng oras at pagkakataon, si Lord muna. Dahil sya lang ang tunay na nagmamahal satin. At sinabi nya pa na mahalin ang ating kapwa dahil ang pagmmahal sa kapwa ay pagmamahal sa Kanya. Magbigay.  Magmahal. Magpatawad. Umintindi. 

God's Word and LectureWhere stories live. Discover now