Lecture 11

1.9K 45 1
                                    

Sunday Lecture

Title: Seven Hindrance of Success

Josh 1:8

"Huwag mong kaliligtaang basahin ang aklat ng kautusan. Pagbulay bulayan mo iyon araw at gabi upang matupad mo ang lahat ng nakasaad doon. Sa ganoon, maging masagana at matagumpay ang iyong pamumuhay."

Ang BIBLE ang sagot sa lahat ng katanungan mo.

1. Di na maturuan

Halimbawa:

Sabi ng Lord na "Dito ang daan" pero sabi mo "Lord dito ako dadaan, dito ang akin." Syempre ang Lord iginagalang din niya ang free will natin pero kahit hindi natin siya sundin, hindi niya tayo pinapabayaan bagkus sinasamahan pa niya tayo.

Josea 4:6

"Nalipol ang aking bayan dahil sa kamangmangan, sapagkat itinakwil ninyo ang karunungan, itinatakwil ko rin kayo bilang pari. At dahil kinalimutan ninyo ang kautusan ng inyong Diyos, kalilimutan ko rin inyong mga anak."

"Failure stepping stone to success."

Tayong lahat ay tinuturuan ng Diyos, walang perpekto.

2. Pangakong hindi natupad

Wag mangangako kung hindi mo naman kayang gampanan.

Mangangaral 5:4-5

"Kung mangangako ka sa Diyos tuparin ito agad, hindi siya nalulugod sa taong mangmang. Kaya tuparin mo ang iyong pangako sa kanya. Mabuti pang huwag ka nang mangako kaysa mangangako at hindi tuparin."

3. Hindi pagpapatawad

Sabi ng bible pag hindi ka nagpapatawad hindi ka rin patatawarin ng Diyos. FORGIVE AND YOU'LL BE FORGIVEN.

ANG TAONG HINDI NAGPAPATAWAD SIYA IYONG TALO.

4. Hindi mahusay na kasama

Kawikaan 13:20

"Ang nakikisama sa may unawa ay magiging matalino, ngunit ang kasama ng mangmang ay masusuong sa gulo."

5. Walang kontrol sa pagsasalita

Kawikaan 18:21

"Ang buhay at kamatayan ay sa dila nakasalalay, makikinabang mga bunga nito ang dito ay nagmamahal."

6. Kaloob at kakayahang hindi pinagyayaman

Pagyamanin mo kung ano mang talento ang binigay sa iyo ng Panginoon. Kung marunong kang kumanta, kantahan mo ang Lord. Wag kang mahiya, hindi naman sila ang kakantahan mo ang LORD. I-judge ka man ng tao ang Lord hinding hindi ka huhusgahan kung nagpupuri ka sa kanya bagkus matutuwa pa ito sayo.

7. Puso na di nagpapasya

Santiago 1:8

"Pabagu-bago ang isip at di alam kung ano talaga ang nais niya."

Handa na ang plano sayo ng Diyos, pagpapasya na lang ang kailangan mo.

Lahat ng lumalapit kay Lord, tutulungan ka ng Diyos. Kakalingain ka niya.

God's Word and LectureWhere stories live. Discover now