SULAT na galing sa PUSO para SAYO

1.2K 36 3
                                    

A/N: Paki-play po ng video sa multimedia para dama ung presence ng Lord. Salamat. :)

A Letter from GOD


Minamahal kong anak,

          Pwede ka bang istorbohin? Pwede bang makahingi ng kahit isang sandali man lamang? Sa panahong ginugugol mo dito sa mundo? Napakaraming bagay ang dapat gawin at pagkaabalahan sa mundong ito. Alam ko yan at gusto kong malaman mo na mahalaga ka sa akin. Walang halong bola to. Mahal kita!

          Kaya nga pinilit kong mabuhay sa lupa ng tulad mo para habulin ka. Ibig kong maglakad sa tabi mo. Ayaw kong maglakad na ako ang nasa unahan mo, hindi ko kasi kaya ang pacing mo. Ayaw ko ring maglakad sa likuran mo, tinatakbuhan mo kasi ako. Gusto ko sabay tayong maglakad, holding hands. I want you to be my friend.

          Pag katabi kita, KSP'ng ksp ako--KULANG SA PANSIN. Gustong gusto kitang masarili. Hindi kita mahabol kasi... masakit at makirot pa ang mga paa ko. May butas pa kasi... may mga sugat!

          Ibig kitang haplusin pero nahihiya ako. Duguan ang mga palad ko. Pero kung hindi ka maselan tanggapin mo sana ang mga palad ko. Ibig kitang mahawakan.

          Ikaw ang dahilan kung bakit may sugat ako. Ikaw ang dahilan kung bakit naghirap at namatay ako. But please don't get me wrong, hindi kita sinusumbatan. After all you deserved this love, and I deserved this fate.

          Basta para sa iyo, OKAY lang. Mahal kita kaibigan. Narito lang ako lagi, handang tumulong sa iyo. Kailangan mo ba ng maiiyakan? Narito humimlay ka sa balikat ko. Nakahanda akong makinig sa mga problema at kabigatan mo. Hindi ako aantukin, makikinig ako. I'm your friend... and I'll forever be.

          Napalayo ka sa akin. Ni hindi mo na nga ako maalala. Gustong gusto kong mag-usap tayo about everything about you pero lagi ka namang walang oras para sa akin. Miss na miss kong makausap ka. Bakit pag may problema ka, naaalala mo ako? Pero pag wala na, masakit para sa akin parang wala na rin ako sa iyo.

          Pero okay lang, atleast kahit paminsan minsan naaalala mo pa rin ako. Pwede ba akong mag offer sa iyo ng isang relasyon na pang matagalan? Isang pakikipagkaibigang hindi saklaw ng panahon at pagkakataon.

          Magiging committed partner ako. Tapat sa iyo habang buhay. Tandaan mo, may pagkakataong tatalikdan ka rin ng mga taong napipisil mong mahalin pero ang RELASYON NATIN... may FOREVER!

          Ako na iyong kaibigan ay laging handa na tumanggap sa iyo. Nakalimutan mo na ba na namatay ako para sa iyo? Kung kinakailangan kong mamatay ng paulit ulit, willing ako na ibuwis ang aking buhay. Mapatunayan mo lang na mahal na mahal talaga kita. I love you!

          Isa lang naman ang hinihiling ko sa iyo. Kahit kaunting pagtingin lang, oh iyan, mukhang KSP na naman ako ulit. Pero anong magagawa ko? Talagang MAHAL KITA! Can we be partners for life? Sinisigurado ko sa iyo, hindi ka na mag-iisa, lagi ako ang kasama mo. Hindi ako magsasawang sabihing I LOVE YOU!

          At seryoso ako. Hindi pa ba sapat ang mga pruweba na nagawa ko para sa iyo? Magbibigay ka na ba ng oras para sa akin? Namatay ako para sa iyo. Mabuhay ka naman para sa akin?


Nagmamahal sayo,

Jesus Christ

P.S.

Alam mo ba sa araw araw mong trabaho, karamay mo ako at katulong sa mga gawain mo? At sa gabi naman sa pagtulog mo, gusto kong makipagkwentuhan sayo. Pero pagod ka na at wala ka ng time. Di bale, babantayan kita sa pagtulog mo.

Sa umaga naman sa paggising mo, di mo pa rin ako pinapansin kasi nagmamadali ka. Pero okay lang kasi sasamahan naman kita. Sa buong araw, maghihintay ako na mapansin mo. Binigyan kita ng aklat tungkol sa buhay ko, simula sa pagkabata hanggang sa pagtanda mo para lubusan mo akong makilala at malaman ang mga salita ko. Pero iniisnab mo ako lagi dahil mas gusto mo pang mag-text, mag-internet at mag-isip ng kung ano ano.

Kailan mo kaya ako papansinin? Kailan mo kaya ihahandog ang sarili mo sa akin para masolo naman kita?

Sana sa pagbabalik ko diyan sa lupa, makapiling kita sa tahanan ng aking AMA.


Panalangin:

          Amang banal, ako po ay lumalapit ng may pagpapakumbaba sa iyong harapan at humihingi ng kapatawaran sa aking mga kasalanan. Tinatanggap ko po si Kristo Hesus sa aking buhay upang siya na ang manguna at mag may ari nito sapagkat sa kanya lamang may buhay na walang hanggan.

Maraming salamat po. Ito po ang aking panalangin sa pangalan ni Hesus, AMEN...

God's Word and LectureWhere stories live. Discover now