Kinuha ko ang isa ko pang Cell Phone at tinext sina Third at Sean. 

Dadalo kasi kami sa isang Business Meeting, tiyak ay makikita ko na naman doon si Czusset. Andon din sina Mom at Dad, kasama sina Tito't Tita. Kinuha ko na ang aking kotse at nagmaneho na. Ilang sandali pa'y nakita ko na sina Third at Sean, naka formal attire sila na para bang may iniintay pa.

"Dre! Hindi mo gugustuhin na malaman kung sino ang bumisita ngayon." Namamangha at dali-daling pagsasalita ni Third. Tiningnan ko naman si sean na para bang kinakabahan, kaya naman hinawakan ko siya sa balikat. Alam ko kung bakit siya nag kakaganiyan, dahil sa naandyan ang Mom nya at ang Dad niya. Strikto ang mga magulang niya kaya naman hindi maitatanggi kung bakit siya naging ganiyan. 

"Sino naman ba ang bumisita ngayon? Si Mayor? O ang Presidente?" Tanong ko sa kaniya, pumasok na din kami sa loob ng Mansion, hindi ko lubos maisip kung gaano ito kalaki. Mas malaki pa ito ng sampong beses sa Mansion namin, hindi ko alam kung sampung beses nga lang ba. Talagang napakayaman naman ata ng may-ari nito. 

"Ang mga Vielle." Napatingin naman agad ako kay Sean, "Oo pati kami'y hindi rin makapaniwala nung una, pero nung nakita ko si Mrs. Vielle." So ibig sabihin naandidito din siya? Hinanap agad ng mga mata ko ang babaeng yun.

"Wala siya dito, wag mo ng pagurin ang mga mata mo kakahanap sa kaniya." nagulat ako ng may babaeng mag salita sa tagiliran ko, agad niyang ipinulupot ang kamay niya sa braso ko. Shitness! "Sabi ko naman sa inyo, nag papanggap lang yang babaeng yan."

Kung nag papanggap nga si Kath wala namang kaso saamin pero ang tanong, bakit kailangan niyang mag panggap? Sa anong dahilan?

"Mom!"

Kumuha ako ng tsansa para iwanan ko si Czusset, buti nalang at nakita ko si Mom na malapit saamin. 

"Oh Draye," Sabi ni mom ng makalapit ako sa kaniya, hinalikan ko muna siya sa Pisngi. Napansin ko naman na may kausap siyang Baba, maganda ito at may kamukha siya na nakita ko na. "Mrs. Vielle, this is my son. Draye, meet Mrs. Vielle. Siya ang nagpatawag ng Meeting ngayon." Nakangiti ito saakin, ngumiti ako at nakipag shake hands sa kaniya.

"Sige, punta na ako sa stage para makapag simula na." Napaka kalma ng boses niya. Na anumang sabihin niya ay napaka taas. Tumango si mom tsaka ngumiti. Pag karaan ay umalis nadin si Mrs. Vielle at umakyat sa stage. Lumapit naman saamin sina Third at Sean, kasama sina Demon, sab at andrea. Buti nalang at wala si Czusset.

" I am glad to welcome all board members to the Second meeting of the Vielle  Corporation. Thank you, thank you for being present in this meeting. Can we call this meeting to order?" Kalma parin ang boses niya, ibig sabihin partner ng mga magulang namin ang mga Vielle? bakit ngayon ko lang ito nalaman? "Yes" Maikli pero magalang na sabi ng mga kasapi ng meeting.

"Are there any apologies for absence for today's meeting?" Sabi pa nito, may lumapit na isang hindi katandaan na babae. May hawak itong microphone, binati muna nito si Mrs. Vielle at saka nag salita. Siguro'y sekritarya niya ito, base na rin sa suot nito. "Yes, Mrs. Vielle, Mrs. Kamikaze is on medical leave being admitted to the hospital since yesterday because of contraction. While, Mr. Chen is on business trip for the joint venture meeting with the company in Korea." Kaya naman pala pa easy- easy ang mokong na yon wala ang nanay niya. 

Maya-maya pa'y nag meeting na sila. Kaniya kaniyang suggestion, kami naman ay nakikinig lamang. Bakit kasi kinakailangan naming sumama gayong wala lang naman kaming gagawin dito. 

Napansin kong may isang lalaking kapapasok pa lamang, hindi naman ito galing labas. Sa totoo lang ay galing siya sa  second floor ng Mansion. Kamukha siya ni kath, napansin kong papunta siya sa direksyon namin kaya naman umayos ako ng tayo. 

"Hi," Magalang na bati niya. Tumingin kaming lahat sa kaniya, bigla namang tumayo si Demon at nakipag shake hands sa kaniya. "Oh, Demon hindi mo naman sinabing naandito ka. Isinama ko sana si Nene." Nene? So may kapatid nga siya? "Bakit nga ba wala siya dito, Kuya Aiden?" tanong pa ni demon, umupo na sila pareho. katapatan ko lang yung Aiden na kararating lang. 

"Alam mo naman yun, hindi mahilig sa mga business -business." tapos parehas silang tumawa. Magkakilala pala sila? "Ngapala mga kabarkada mo?" tanong pa ni Aiden, buti naman at napansin kami. KUng mag usap kasi sila parang wala kami dito. 

"Ah oo, eto si andrea." Turo niya kay andrea na ngayon ay kumakain ng Ice Cream. Nag Shake hands yung dalawa. "Ito naman si Third, yung nasa kaliwa niya ay si Sean." Nag shake hands din sila. Mukhang natutuwa naman sina Sean at Third.  "Ito si Czusset at saka si Draye." Ako ang huli niyang kinamayan. Medyo naiilang paako dahil sa ngayon ko lang naman siya nakita at nakilala.

"Uhm, Aiden. May kapatid ka bang babae?" Biglang tanong naman ni Czusset. Ibinaling ni Aiden ang mata niya kay Czusset. 

"Oo, sa totoo lang same school lang ata kayo ng pinapasukan e." Sabi pa nito, maya maya ay tinawag na siya ni Mrs. Vielle at ipinakilala sa lahat ng naroroo. 

"Sabi naman kasi sayo, tigilan muna." Biglang sabi ni Demon, nag usap usap lang sila. Samantalang tahimik lang akong nakikinig sa kanila. Hindi mawala sa isip ko ang babaeng yun. 

--

VOTE, COMMENT AND FOLLOW ME.

RED EYED PRINCESS ✔️Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang