Chapter 14

8 0 0
                                    


"Meadow! Meadow! Buksan mo ito!!" sigaw ni Aling Cory.


Nakalock kasi ang pinto.
Patuloy sa pagsigaw si Meadow.


"Meadow Anak!" sigaw rin ni Mang Gener.

Nagising noon si Jerome.

"NAy! TAy! Anong ingay yon?! Anong nangyayari??"

"Anak, kunin mo yung susi sa baba dali!!"

Mabilis namang sumunod si Jerome at agad rin nilang nabuksan ang pinto ng kwarto ni Meadow.
Nakita nilang nasa sulok si Meadow at nakita ni Mang Gener na nandoon si Simon.


"Kuya Simon!!"


Humarap ito sa kanya.
Iba ang hitsura nito, mukha parin ni Adam pero punong-puno ito ng galit.


"Nay! Sinong kausap ni Tatay??" naguguluhang tanong ni Jerome.


"Saka ko na ipapaliwanag Anak, wag nalang muna tayo makielam."


Unti-unting lumalapit si Mang Gener kay Meadow.


"Kuya Simon! A-Ako to! Si Gener! N-Naaalala mo pa ba ako?"

"Halika na Isabelle....sumama ka na sakin...umalis na tayo dito! Takasan natin ang Magulang mo!"


"Hindi ako si Isabelle! Tama na Adam...natatakot na ako sa iyo..." iyak ni Meadow.


"Jerome, puntahan mo si Kuya Adam mo...bilisan mo.."

Kahit hindi maintindihan ni Jerome ang nangyayari, sumusunod lang siya sa mga inuutos sa kanya.


"Kuya Adam! Kuya Adam!!" tawag niya sabay ng malakas na pagkatok nito.

"Jerome?" nagising si Adam at agad tinungo agad ang pinto.


"Jerome? Bakit?"


"Pinapatawag ka po ni Nanay...bilisan po natin!"


"Bakit? Anong..." narinig ni Adam ang ingay mula sa bahay nila.


"Hindi ko maintindihan ang nangyayari Kuya pero ... bigla nalang kaming nakarinig ng kalabog at sumigaw si Ate....si Tatay....may binabanggit siya Kuya Simon...."
hindi halos maideretso ni Jerome ang sasabihin pero sapat na iyon para maintindihan ni Adam kung ano ang nangyayari.


Pumunta na sila doon at mabilis na umakyat si Adam sa kwarto. Naabutan niya pa na nandoon si Simon.


"Kuya Simon!! Hindi siya si Ate Isabelle! Maniwala ka sakin!!!" sigaw ni Mang Gener.


Sa pagkakataon na iyon, yakap na ni Aling Cory si Meadow.


"Hindi niyo na siya magagawang kunin sakin katulad ng ginawa niyo noon!! Hindi niyo na kami mapaghihiwalay!! Halika na Isabelle!!" sigaw ni Simon.



"Lolo!!" tawag ni Adam.

Mabilis siyang nilingon nito. Napatayo si Meadow.....
Tumingin siya kay Adam at tiningnan niya rin ang alam niyang si Adam din.


"Anong.....anong nangyayari?" tanong niya.


"Paanong...."


"Meadow....umalis ka muna dito...Nay! Jerome! Dalhin niyo sa labas si Meadow!"utos ni Adam na susundin na sana nila pero ibinagsak ni Simon ang lamesa at iniharang sa dadaanan sana nila.


Unfinished ChapterWhere stories live. Discover now