Chapter 7

5 0 0
                                    

Inililigpit na ni Meadow ang gamit niya noong hapon na iyon, ilang oras pagkaalis ni Adam 2 ng biglang iniluwa ng pinto si Adam.
Muntik na niyang mabitawan ang hawak na Laptop.


"Meadow!!!" sigaw nito at tila tuwang-tuwa na makita siya.


"Adam, k-kamusta ang Outing?"


"Nag-enjoy naman sila kaya naging maayos naman.."


"Sila lang? E, ikaw?"


Ngumiti lang ng bahagya si Adam sa kanya.


"Yung totoo?" ulit ni Meadow.



"Nag-aalala kasi ako sayo kaya....."


"Yan tayo e, moment mo yon kasama ang mga empleyado mo, dapat nilibang mo rin yung sarili mo..talaga ito, teka, dalhin ko lang ito sa taas.."



"Uy, hindi mo ako namiss?"


"Andito ka lang kanina, tsaka duh? Kelan kita namiss? Asa ka..."


"Salbahe ka talaga.."

Hindi na pinansin ito ni Meadow at umakyat na sa taas.


"Anong ibig sabihin niya na...andito ako kanina?"

Tiningnan ni Adam ang paligid.
Tapos napabuntong-hininga nalang. Maya-maya biglang bumuhos ang ulan.
Tatakbo sa labas si Adam.
Nakita iyon ni Meadow kaya sinaway niya ito.


"HOY! ADAM! Bumalik ka nga rito! Mababasa ka niyan!"


"Halika! Maligo tayo sa ulan!"


"Ayoko nga! Magkakasakit ako kapag naligo ako dyan! Maligo ka mag-isa mo!"


"Ulan lang yan oh? Hindi ka tatalaban ng sakit no!"


"Bahala ka.."


Mauupo na sana siya sa Sufa ng bigla siyang higitin ni Adam palabas ng bahay.


"ADAM!!"


"Enjoy mo lang! Hindi ka magkakasakit kung maliligo ka din ng maligamgam mamaya!"


Sa totoo lang, hindi pa nararanasan ni Meadow maligo sa ulan dahil sa over pa sa over protective niyang parents. So. it feels new for her.


"O. bakit hindi ka makakibo..?" sabi ni Adam habang nilalapitan ito.


"A- ang lamig..." sabi niya habang nakangiti.



"Ano? Tao ka na? Nakatikim ka ng ligo sa ulan?"



Lumakas pa ang ulan at lalong ikinatuwa iyon ni Adam.
Hindi naman maiwasan ni Meadow na tumawa dito dahil para itong bata...
Tuwang-tuwa siyang pagmasdan ito habang patakbo-takbo.
Tapos lumapit ito sa kanya at hinila siya.
Para silang ewan pero wala namang ibang tao doon kundi sila kaya okay lang.


Naupo sila sa Teris at hinintay na tumila ang ulan.


"Uwi muna ako ha, maliligo muna ako at magbibihis..."


"Sige.."


"Ikaw din, maligo ka na doon.."


"Oo, manonood pa ako ng konti..."


"Siguraduhin mong maliligo ka ha..."


"Oo nga! Umuwi ka na nga!"


Tumawa lang ito sa kanya.
Hindi naman maipaliwanag ni Meadow ang tuwa na nararamdaman niya dahil sa naexperience niyang bago sa buhay niya.


Unfinished ChapterWhere stories live. Discover now