Chapter 1

33 1 0
                                    


Bilang isang bugtong na anak, may mga pagkakataon talaga na ayaw na ng magulang na mawalay pa ang anak nila sa kanila.

Hindi na bago ito, katulad nalang ng sitwasyon ni Meadow Sanchez, isang Unica Hija.... Isa siyang Writter at editor din ng mga libro, dahil na rin sa trabaho niyang ito, nais niyang lumipat sa lugar na tahimik at wala gasinong ingay. Madalas niyang sabihin ang bahay ng Lola niya sa probinsya, pero ayaw naman pumayag ng mga magulang niya.

"Anak naman, malayo yun dito samin...ayaw kong malayo ka samin ng Papa mo..lalo na't babae ka.." ani ng Mama niya.

"Ma, hindi na ako batang paslit na dapat mo pang bantayan ....25 years old na ako for cying out loud..."

"Bakit ba hindi ka muna makinig sa Mama mo, malayo talaga ang probinsya ng Lola mo dito..."

Bagsak ang balikat ni Meadow.

"Paano ako magtatrabaho ng maayos kung maya't-maya pupuntahan niyo ako sa kwarto ko at tanungin ng kung ano-ano? Paano ako makakapagtrabaho sa lugar na ito na maingay? Kailangan kong lumipat sa tahimik na lugar, yung lugar na maiinspire ako magsulat.. intindihhin niyo naman ako kahit ngayon lang.....please?" pagmamakaawa niya.

"Sagabal ba kami sa trabaho mo anak?" emosyonal na tanong ng Mama niya.

"Hindi naman sa ganon, Ma..."

"Bakit ba hindi niyo hayaan ang Apo ko? Malaki na yan, kaya na niya ang sarili niya.." sabi ng Lola niya na pinakamamahal niya.

"La..." agad nilapitan ang nakawheel chair ng Lola niya.

"Buti ka pa La may tiwala sakin..."

"Hayaan niyo na siya, maayos pa naman yung bahay ko sa probinsya...doon makakapagtrabaho ka ng maayos Apo.." sabay halik sa pisngi ni Meadow.

"Love you La,,,,," tumayo at na may-awang sa magulang niya.

"Payag na si Lola ko....kayo?"

Napabuntong-hininga ang mga magulang niya.

"Hay naku....may magagawa pa ba kami? Tutal para naman yan sa trabaho mo...." may pagtatampong sabi ng Mama niya.

Napangiti si Meadow at yumakap sa Mama at Papa niya.

"Thank you...I love you guys!!"

Mahal na mahal ni Meadow ang Lola niya..... Naaalala niya pa ang lahat ng kwento nito sa kanya simula noong maliit pa siya.... tungkol sa nakaraan niya,,, Pati ang tungkol sa first love niya ay alam niya rin. And yes, ito na ang pinaka inaasam ni Meadow,,,,

Gusto niya talagang tumira sa bahay ng Lola niya dahil tahimik doon at sigurado siyang makakapagtrabaho siya ng maayos. May mga katiwala naman ang pamilya nila doon sa bahay ng Lola niya kaya may makakasama parin siya.


"Nandito na si Ma'am Meadow! Buksan mo na yung Gate Mahal!" utos ni Aling Cory sa asawa niya, mga katiwala sila ng bahay.

"Ito na , palabas na..." sagot ni Mang Gener.

Walang pagsidlan ng tuwa si Meadow ng makita ang mga tauhan nila doon na tinuring niya naring Pamilya.

"NANAY CORY!!!!!!!!" sigaw niya at patakbong lumapit dito at yumakap.

"Diyos ko Ma'am Meadow!! Ikaw na ba yan?" pansamantalang pinagmasdan ang mukha ni Meadow.

"Napakabilis ng panahon, lalo kang gumaganda , anak..." Yumakap ulit si Meadow dito.

"Namiss kita ng sobra Nanay...."

"Nakakainggit naman, bakit si Cory lang ang may yakap? Ako wala?" reklamo ni Mang Gener.

Unfinished ChapterWhere stories live. Discover now