Chapter 11

5 0 0
                                    

Nagmulat ang mga mata ni Adam ng hapon na...
Oo hapon na, Kaya halos mapatalon siya ng makita ang oras...

"Anak ng.--" tumingin siya kay Meadow na tulog na tulog parin ng mga oras na iyon.
Pinuntahan na niya agad ito."Meadow...Meadow!"


"Hm?" sagot nito habang nakapikit.


"Uyyyy , gumising ka na dyan please...may puputahan tayo ee.." maktol niya.



"Ha?" sa wakas nagmulat na si Meadow."San tayo pupunta? Tsaka, bakit nandito ka sa kwarto ko? Kelan ka pa dito?"



"Wag mo ng tanungin..dali na, magbihis ka na ha.." sabi niya habang palabas ng kwarto nito.



Bumaba na siya at nabungaran sa kusina si Aling Cory at Mang Gener na nagpapalipas lang ng oras.



"Aba Sir Adam, hapon na ah, ngayon ka lang nagising?" bati ni Mang Gener.

"Oo nga po e, Nay, ba't naman hindi mo ako ginising?"


"Naku, kaganda niyong tingnan kapag natutulog e, ayoko nga kayong abalahin...."


"May pupuntahan kami e..." sabay kamot sa ulo.


"Sir, hindi ko na kasalanan yan okay? At...saan kayo pupunta?"



"Nasabi po kasi sakin ni Meadow na hindi pa niya nararanasan magpicnic..kaya ayun, sosorpresahin ko po sana siya ngayon.."


"Hindi pa naman huli ang lahat, mas maganda nga na ganitong oras kayo lumabas, hindi na tirik ang araw, tapos maya-maya rin ay lilitaw na ang mga alitaptap...hindi ba mas maganda yon?" sabi ni Mang Gener.


Napaisip si Adam.


"Oo nga no Tay...naks, ang galing mo po doon!"



"Ako pa ba?" nagkibit balikat.



"Mapapasagot at makakasal ba kami ng Nanay Cory mo kung hindi ako magaling sa mga ganyan?"


"Tumigil ka na nga mahal.." saway ni Aling Cory.


"Adam?" tawag ni Meadow.


Agad humarap si Adam at ayun....wala na....nahulog ang puso niya at hindi na niya alam kung paano pa ibalik iyon sa dati niyang pwesto.

Nakasuot si Meadow ng Sleeveless na dress na kulay Baby Green, hanggang tuhod niya lang ang dress na iyon.
Napakasimple lang ng suot niya pero dahil sa kulay noon, lalong lumitaw ang kaputian niya at isama pa ang halos wala niya pang suklay na buhok, nagsuot lang siya ng abanikonng sumbrero.
Napapatawa lang ng tahimik ang mag-asawa na nakatingin sa reaksyon ni Adam.

"Huy...ano na? Di ka na nakakibo?" sabi ni Meadow.


"A..." napaubo."Ang...Ang tagal mo naman magbihis!"


Halos sumakit na ang tyan ng mag-asawa dahil kay Adam.


"Paanong hindi ako matatagalan? Bigla mo ba naman akong sasabihan ng may pupuntahan tayo...saan ba tayo pupunta?"


"Surprise nalang....tara?" humawak sa kamay nito."Nay. Tay, hiramin ko lang si Meadow ha?"



"Sige lang...kahit hindi mo na ibalik." sabi ni Aling Cory.

"Po?" ulit ni Meadow.


"Wala! Sige na, wag masyadong pagabi ha.."


"Opo..."


Unfinished ChapterTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang