Chapter 12

4 0 0
                                    

Isang umaga, hindi alam ni Meadow kung bakit bigla nalang siyang nagising at minabuti niya nalang na bumaba at para kumain.
Doon niya lang din napansin na parang ilang linggo na niyang hindi nakikita si Jerome.

"Asan nga pala ang batang iyon?" sabi niya habang bumababa.

"Andyan na si Ate! Nay!" bulong ni Jerome na rinig na rinig naman ni Meadow.
Nakarinig din siya ng hampas, si Aling Cory siguro yon.
Nagulat pa siya ng makita na may dekorasyon ang kusina nila.

"Good morning Ate!!!!" bati ni Jerome. Sabay saboy ng Confetti.

"Anong meron? Bakit may paconfetti?"

Tumingin siya sa mag-asawa, nakangiti lang ang mga ito sa kanya. Kinuha ni Jerome ang cake at lumapit sa kanya.

"Happy Birthday Ate!"

"Happy Birthday Ma'am Meadow!!"

Gulat na gulat siya, hindi niya akalain na pati ang Birthday niya ay makakalimutan na niya...
Tapos na kasi ang 2weeks na pahingang binigay sa kanya ng Company kaya balik trabaho na ulit niya nitong mga nakaraang araw at siempre, dahil din kay Adam.

"Birthday ko ba ngayon? Shocks! 26 na ako! Ang tanda ko na!"

"Meadow, hindi lang yan ang surpresa namin sa iyo..." sabi ni Mang Gener.

"Dali na, sabihin mo na Jerome.." sabi ni Aling Cory.

Napadako ulit ang tingin ni Meadow kay Jerome na medyo maluha-luha na.

"Bakit? Bakit paiyak ka na? Nakabuntis ka no?" tanong ni Meadow.

"Hindi! Sira 'to...."

"Bakit nga?"

"Basahin mo yung nakasulat sa Cake , ate.."

"Okay.." ginawa niya.

"Happy Birtday Ate, may Cumlaude ka---" naputol niyang basa.

Agad siyang napatingin kay Jerome.Napahawak pa siya sa labi niya.

"Hindi nga?!"

"Ginawa ko talaga ang lahat ate para maging Cumlaude...kahit yon man lang maibalik ko saiyo...sa lahat ng naitulong mo sakin tsaka sa pamilya ko...natin. Salamat Ate!" umiiyak na sabi ni Jerome.

Hindi niya rin napigilang mapaluha dahil doon.

"Ano ba, wag ka ngang umiyak dyan! Kalalaki mong tao!" sabi niya habang pinupunasan ang luha ng kapatid.

Ibinaba ni Jerome ang Cake at yumakap sa Ate niya.

"Salamat Ate...Salamat, kundi dahil sa iyo, hindi ako makakatapos ng pag-aaral.."

"Sus...nakatapos ka dahil sa pagsisiskap mo, hindi dahil sakin.."
Humiwalay na si Jerome.

Naging masaya ang umaga niyang iyon, akalain mo ba namang ang pilyong batang iyon ay magiging Cumlaude pala.
Nasa kalagitnaan sila ng pagkain ng tumawag si Adam sa kanya. Pumunta siya agad sa labas.

"Adam? Napatawag ka?"

"Happy Birthday!"

"Thank you....."

"Sorry..."

"Saan?"

"Hindi ako nakapagpaalam sa iyo kanina na nandito ako sa Company...busy ka sa work mo eh, ayoko namang maabala ka.."

"Akala ko naman kung ano na....kailangan ka dyan e, wag ka ng magsorry sakin.."

"Nagkasakit kasi si Steve...pinagrest ko muna siya...naguguilty tuloy ako..."

Unfinished ChapterМесто, где живут истории. Откройте их для себя